NASA Changi airport kami para salubungin at sunduin ang pamilya Montecillo. We prepared a large banner to welcome her family to Singapore kaya’t nakita nila kami kaagad. Nang makita ni Lai ang mga pamangkin niya ay agad nagliwanag ang mukha nito. I smiled as I watch her run towards her nephew and niece. “Auntie!” narinig ko pa’ng tawag sa kanya ni Pasquale. Napangiti ako nang mapansing matangkad na siya simula nang huli ko siyang makita kahit na kung tutuusin ay ilang buwan lang ang nakalipas. He always looked taller for his age. Pitong taong gulang pa lang siya ngunit kahit sa pagsasalita ay hindi maipagkakailang listo at matalino ang bata. Maging si Pietricia na limang taong gulang ay matangkad ring tingnan at bibong-bibo. “Ninang!” narinig ko namang tawag ni Trish sa ka

