SA ikadalawang buwan naming magkasama ni Nicolai, I discovered many things about her that I didn’t know before. She’s really talented in painting and drawing. Ipinadala din ni Nikki ang mga natapos niyang paintings at drawings mula sa Pilipinas. Ang isang bakanteng kwarto ay ginawa naming gallery niya at art room. Mahilig din siyang maglinis at mag-ayos ng bahay. Lagi ko nga siyang inaasar na sparkling clean ang bahay namin dahil sa kanya. She’s always doing something. Gusto niya ay lagi siyang preoccupied at may ginagawa, pwera na lang kung magkasama kaming dalawa. Inayos ko ang work arrangement ko para tatlong araw lang kami pupunta ng opisina habang ang dalawang araw, ang Lunes at Biyernes ay sa home office ako magtatrabaho. It worked well with us at wala namang naging issue.

