Malungkot na kahapon😔(Bunso)
Nagiisang anak na akala mo habang buhay magiging masaya.Isang batang musmos,batang mataas ang pangarap,batang tahimik,pihikan at masayahin...
Yan ang ilan sa pagkakakilala nila sa akin,isang batang mapagmahal.
pero dumating ang araw n aking kinatatakutan ang isang watak at sirang pamilya.Pamilyang gustong gusto kong buo buong buhay ko.Pamilyang hinangaan ko nang ako'y nagkaroon ng muwang sa mundo....
Sa tuwing nakakakita ako ng eksenang my buo at masayang pamilya hindi ko maiwasang pumatak ang mga luhang ayaw ko ng maranasan o madama.May inggit sa aking puso,may pag aasam na sana ganito,sana ganoon din ang mayroon ako.
Naalala ko pa noong aking kabataan sa edad kong 4 na taong gulang.
"Bunso parating ng papa anong gusto mo?"tanong ng aking ina.
"Ma jollibee ang sabi ng papa pag mataas ang grades ko sa school bibilhan nia po ako"ani ko.
"oh xa hayaan mo bunso sasabhin ko kay papa mo" sabi ni mama.
kinabukasan nagising ako mula sa aking pagkakatulog ng tanghali at masiglang naghintay sa aking mahal na papa,papa's girl kc ako...hinintay ko siya sa hagdang kkahoy namin kung saan lagi ko siyang sinasalubong ng aking masarap na yakap.
"Bunso,bunso"malambing na tawag ni papa papasok sa pintuang kawayan nmin.
"Papa"mabilis kong takbo palapit at salubong sa kanya.
"oh hayan bunso ang paborito mong jollibee my burger with cheese at spaghetti,xempre my fries din at higit sa lahat heto oh ang paborito mong laruan,luto lutuang laruan na gawa clay(ito ung parang banga na gawa sa putik)"sabi ni papa
"salamat po papa da best papa ka po talaga"sabi ko.
"nasaan ang mama mo,bunso?"sabi ni papa.
" nasa kusina po papa,nagluluto ang mama ng paborito nating ulam ang adobo po"sabi ko.
Pinuntahan ni papa ang mama at masuyo nia itong hinalikan at niyakap mula sa kanyang likuran.Ito ang tagpo nmin palagi sa tuwing dumarating ang papa,mula sa kanyang trabaho.Masaya buo at may lambingan hindi lng sa hapag kainan kundi sa buong parte ng bahay.Sulit kumbaga sa isang linggong hindi nmin kasama si papa dahil tuwing sabado ng hapon xa umuuwe mula sa Quezon province kung saan andon ang kanyang trabaho.
Dumaan ang oras,araw,buwan at isang taon.Yun n pla ang huling masayang ala-ala n mkikita ko sa aming munting tahanan.Nagtataka man sa aking murang edad na 5 taon,at laging tanong sa aking ina 'nasaan ang si papa'.
Tanging lagi na lamang nyang sagot ay 'darating din ang papa at babalikan tayo',naguguluhan man ngunit ung ang aking pinanghawakan sa pagmiss ko sa aking mahal na papa.
Ngunit lahat pala ay may hangganan.Isang gabi nagising ako sa aking pagkakahimbing,dumating ang papa ako'y masaya at nagagalak na muli siyang makita at makayakap.Pero ako'y nabigla sa mga boses na aking naririnig hagulgol ng iyak ni mama at buntong hininga ni papa.
"bakit,bakit Miguel saan ako nagkulang,saan?"tanong ni mama.
Tanging pagyuko at buntong hininga ang naisagot ni papa.Ito ang eksenang namulatan ko sa siwang ng pinto mula sa aming silid.
Nahahabag ako sa itsura ng aking ina,iyak lamang siya ng iyak.
"patawad pero hanggang dito na lng"tanging sabi ni papa bago siya tumayo at pumunta sa aking kinaroroonan.
Nagulat ang papa ng akoy makita nyang umiiyak,nilapitan nia ako't binuhat,at mariing hinalikan sa aking noo.
"bunso,patawarin mo ang papa,gusto mo bang sumama kay papa?"sabi ni pap.
mabilis akong tumango,ngunit naalala ko ang aking mama,
"papa kasama po ba c mama?"sabi ko.
"hindi bunso ikaw lang maiiwan c mama"buntong hininga nia na my malungkot na mata.
"gusto ko po papa ksama c mama,pag hindi po siya kasma dto lng poh ako"umiiyak na sabi ko
Mabilis akong bumaba mula ky papa papunta ky mama,niyakap ko sya at....
"mama saan po pupunta c papa sinasama po ako ni papa pero hindi ka raw po pwedeng sumama?"umiiyak na sabi ko.
"kaylangan ni papa magtrabaho malapit sa mga lola mo at bka matagalan siya kaya ka niya tinatanung,gusto mo bang sumama kay papa?"paliwanag ni mama.
"ayaw ko po mama wala ka po kasama dto pag sumama ako kay papa,andoon naman po sila tatay at nanay"ngiting sabi ko upang gumaan ang loob ni mama.
At nung gabi ding iyon ay tuluyang imalis c papa.At tanging sbi lang ni mama na khit anung mangyari huwag daw akong magtatanim ng galit at sama ng loob sa aking papa.At yun ang aking ginawa malayo man at tanging ako nlng ang hinahatid ni mama papunta ky papa nalulungkot ako para kay mama,dahil parang wla na silang matamis na pinagsamahan wla n ung masaya at kumikislap nilng mga mata tuwing sila ay magkikita.
Dumaan ang 3 taon ako ay 8taong gulang na sa loob ng 3 taon ayoko ng makita pa ang aking amai,sa dahilang nagbuhay binata siya,babae dto babae doon namulat ako sa ganoon dahil nakita ko un mismo at ako mismo ang lumayo sa aking mahal na papa,poot,galit at hinagpis ang nadarama ko para ky mama sa ginwa ni papa,oero d mo mababakas sa mukha ni mama.Sa tatlong taon na magkasama kmi ni mama binuhay nia akong magisa,itinaguyod sa pagaaral at tinustusan sa aking pang gamot dhil lumaki akong sakitin.Sa panahong iyon hindi mo maiiwasan kutyain kmi ng mga taong mapanghusga.Matang mapangmataas,yan ang mga taong mahilig mang apak sa kapwa tao.Sabi nila wla na raw ako mararating dahil wla nmn daw pinag aralan ang aking mama.Hindi raw ako nito kayang buhayin,lalo na at puro nlng kmi utang,utang dto utang doon.
Nang iwan kmi ni papa naiwan sa amin ang munti nming tahanan.Ngunit kaylupit ng tadhana upang kmi ay muling paglaruan.Pinalayas kmi sa aming tinitirahan wla n raw kming karapatan sapagkat wla n doon ang totong may aro ng bahay.Nakitira kmi ni mama sa kanyang kaibiga at katrabaho.Pinuntahan ni mama c papa upang ipaalam ang nangyari sa amin ngunit wla man lng itong pakialam,wla n raw siyang pakialam sa min ni mama higit lalo na sa akin.Mas lalo lamang akong nagalit sa aking ama.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana,nagkasakit ako ng malubha kinumbulsyon dhil sa taas n lagnat at kulang sa tubig,sumabay pa ang hika.Naawa man ako sa pagod ni mama at lungkot tuwing akoy kanyang titingnan ay wla akong magawa.Kinausap ako ni mama na umiiyak.
"bunso mahal ka ni mama kahit anu pa man ang magyari,ayaw kitang nakikitang naghihirap kasama ko,bunso anak nakausap ko na ang papa po ibibigay na kita sa kanya,bunso doon mapapagamot ka ng papa para gumaling kna ng tuluyan",umiiyak n sbi ni mama.
"ayaw ko kay papa mama,gusto ko sayo lng po ako mama"sabi ko
"pero bunso di ba gusto maging isang chef at maging isang pulis?,di ba gusto mong matupad ang pangarap mo gusto magtapos ng pagaaral di ba anak?".sabi ni mama
Tango lamang ang aking naisagot sa aking mama habang umiiyak.Alam ni mama ang kahinaan ko.Dahil dito napapayag nia ako dahil magiging maganda raw ang aking buhay.Makukuha ko raw lahat ng aking nanaisin.
Dumating ang araw at inihatid ako ni mama ky papa,gaya ng napagusapan nila sa paboritong lugar daw kmi magkikita xempre wlang iba kundi sa jollibee.Iniwan ako ni mama kay papa.Isinama ako ni papa sa bahay nina tatay at nanay ang magulng ni papa.Una pa lang alam kong hindi na nila gusto c mama para kay papa.
Pagdating doon nagmano ako sa kanila.
"aba heto na ba c jane aba eh malaki na ah"sabi ni nanay at akoy niyakap.
"oho siya na nga ho inay".sabi ni papa.
"oh siya cge mula ngayon apo aba dine kana maninirahan ha wag ka mahihiya sa amin".sabi ni tatay.
"opo",tipid kong sagot.
Dto q nakilala ang iba pang parte ng pamilya ng aking ama.Nanjan ang ate ng aking papa na itinuring akong parang isang anak at ng kanyang asawa.May dalawa silang anak na babae,kaya naman hindi na rin iba ang turing nila sa akin.Kung anung meron sila ay mayroon din ako.Ganoon ang naging takbo ng aking buhay sa piling nila.Ngunit malungkot parin sapagkat hindi ko naman nakakasama ang aking ama.Palagi siyang abala sa trabaho at syempre sa babae na rin.Lumipas ang ilang buwan ng aking pamamalagi sa piling nila.Lubos akong nagalak sa sinabi ng aking lola na pauwe daw c papa.
"oh jane nariyan na pala kayo,kamusta ang pasok sa eskwelahan?",ang sabi ni nanay sa amin ng aking pinsan habang inaabot ang kanilang kamay upang magmano.
"opo nanay,sabi nio po ay parating ang papa nagyon nanay?",sabi ko.
"ay oo parating na iyon lumabas lamang sila upang bumili nga meryenda.
"sige po nanay magbibihis lamang po ako",ngiting sabi ko.
Sa loob ng aming kwarto ay napapaisip ako sino kaya ang kasama ng papa na bumili ng meryenda?.Nabigla ako ng sa aking paglabas ay nakita ko na si papa,pero natuon ang pansin ko sa katabi ni papa.
"oh bunso nariyan kana pala eh parine at magmiryenda na tayo,kamusta naman ang eskwela?",sabi ni papa.
"maayos naman po papa,namiss ko po kayo ng sobra",sbi ko ng nagmano at niyakap c papa pero ang aking mata ay hindi maalis sa kasama ni papa.
"siya nga pala bunso ay siya ang tita myrna mo",sabi ni papa.
"mano po tita",sabi kong nahihiya.
"aba eh kaganda pa lang bata itong anak mo pa",sabi ni tita kay papa.
"oo ma sabi nga nila para daw kaming pinabi-ak na bunga",masiglang sabi ni papa.
masaya kaming nagmeryenda ng hapong iyon,nakalimutan ko panandailian ang pangungulila ko ky mama.
Ilang taon na rin ang lumipas dumaan ang ilang birthday ko na si papa at tita ang aking kasama at hindi si mama.Labing isang taon na ako.