KABANATA XXIV – “118:6” NAKATAMBAY pa ako rito sa labas ng apartment na tinutuluyan ni Gerald. Nakaupo rito driverseat, nakabukas ang pintuan ng aking sasakyan habang nagpapausok. Nakatayo si Andrew sa labas sa aking kaliwa. “Pre, meron ka bang kilalang Roy na tauhan ng boss mo?” Tanong ko sa kaniya pagkabuga ko ng usok. “Roy?” “Roy Rojas. Iyong anak anakan ni tandang Baros?” “Sensya na pre. Wala akong kilalang ganun.” Sagot niya—hindi naman pala niya kilala tinanong niya pa kung sinong Roy. Gwapo lang pala ang isang ‘to pero may pagkabobo. Buti na lang ako matalino ako. Ako pa rin ang pipiliin ni Henry. Tang ina. Kailangan ko na pala siyang layuan. Hindi na siya pwedeng makipagkita sa amin o ako sa kaniya. Paano na ako nito? hindi pa nga talaga kami gaanong nagkakakilala tapos ma

