KABANATA XXV – “BAD BLOOD” PUMASOK ako kaagad sa loob ng parlor ni Mamita at nakita ko kaagad siyang nakaupo sa isang sulok. Hawak-hawak ang kaniyang tagiliran at halatang hirap na hirap na ito sa kanyang kalagayan. Naparami ng dugong nauubos sa kaniya. “Bakit hindi ka humingi ng tulong sa labas! Ano ba naman klase ng tao ang mga kapitbahay mo rito hindi man lang nila alam kung anong nangyayari rito sa loob ng shop mo? At--- putang inang tiya! Nasa harapan mo lang ang police station.” Habang sinasabi ko ang mga iyon at punong puno na ako ng galit. Binuhat ko siya at kaagad kong pinasok sa loob ng sasakyan ko. Napansin ko na ngayon pa lang napapatingin ang mga taong narito ngayon. Hinubad ko ang jacket ko---hinubad ko ang damit ko at tinakip ko ito sa tama ni tiya sa kaniyang kaliwang

