KABANATA XXII – “BANAL” TATLONG araw na ang nakakalilipas mula ang pumutok ang balitang patay na si Tony Rodriguez. Hati ang naging reaksyon ng mga taga San Pedro pero mas marami ang sumisimpatya kay Tony Boy. Hindi sila naniniwala na mabuting tao ang dating congressman na pinatay ni Tony Boy---si Reyanante Bakot. Maraming naglabasang scandals ang taong ito at puro mga magagandang bakla ang mga naging biktima nito. May mga pamilyang lumabas din at humihingi ng hustisya dahil napatay ni ex-congressman Reynante ang kanilang mga anak. Ang pagpatay ni Tony Boy sa dating congressman ay parang lumalabas pa ring tagapagtanggol nila si Tony Boy. Hindi ako kagaya ni Tony Boy na maraming nalalaman sa politics. Sa katunayan niyan, sa balita ko lang nalaman na si Reynante Bakot pala talaga ang

