KABANATA XXIII – “PLAN A” WALA akong inaaksayang oras. Dito na ako naghintay ng umaga sa San Pablo at hindi na ako nakatulog pa talaga. Pagtungtong ng oras ng bisita ay kaagad na akong pumasok sa loob para kausapin ang Ninong ni Henry na si Barbo. Wala akong alam kung bakit siya nakakulong ngayon---hindi ko alam kung sumuko siya sa mga pulis o kung meron siyang ginawa dahilan para makulong siya rito. Kung inako na niya ang krimen na binibintang kay bakla, bakit hindi pa rin nila ito pinangwawalang sala at pinakakawalan… pero sigurado akong iba ang dahilan ng pagkakakulong niya talaga ngayon dito at sinigurado niyang dito siya dadalhin para sa inaanak niya. “Anong ginagawa mo rito bata?” Unang tanong niya pagkaupo na pagkaupo niya sa mesa kung saan ako naghihintay sa kaniya. Wala si

