KABANATA XV – “TROPA” “SINABI ko na nga ba’t babalik ka rito eh.” Pamungad na pagkakasabi ko pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng bahay ni Mildred. Si Mildred ang nagbukas sa akin pero ang una kong nakita ay ang syota niyang pogi sa paningin ni baklang Red. Dalawang araw lang akong hindi nakabalik dito, nagkabalikan na naman silang dalawa. Iba talaga ka rupukan ng mga bakla sa lalaki kahit sinasaktan na sila, sige pa rin. Hangga ako sa kadakilaan ng kanilang pagmamahal sa lalaki. Kaya mamahalin ko talaga si baklang Henry. Siya lang at wala ng iba pa. “I-Ivan…” Pagpipigil sa akin ni Red habang papalapit ako sa syota niyang napatayo kaagad sa kinauupuan nito. “Huwag kang lalapit sa akin gago ka!” Pabulyaw na pagsasabi nito sa akin. Hindi ako huminto sa paglapit sa kaniya at napatu

