NAGKAKAGULO na silang lahat. Para akong nanunuod ng pelikula. Iyong suntukan, basagan ng mukha, hampasan ng kung ano-anong mga bagay na madampot nila. Meron isang lalaking tumilapon malapit sa akin. Akmang dadambahan niya rin ako pero ng titigan ko siya parang natakot at bumalik na lang sa gitna kung saan maraming suntukang nagaganap. Marami na ring nakalabas o sa palagay ko nakalabas na ang lahat, maliban dito sa mga lumilikha ng gulo. Para silang sumasayaw sa malakas na tugtog. Meron tumitilapon papalayo, marami na ring mesang nasira, bangkuang naputulan ng paa. Marami rami na rin ang duguan sa kanila pero walang gustong sumuko. Iyong tatlong lalaking nakatumba hindi ko alam kung patay na ba sila o nagpapatay p*****n lang o baka naman nakatulog na rin. Masarap kasing matulog talaga lalo na ngayon puro alak na ang nadaloy sa aming mga dugo. Pero hindi ako lasing, nakainom lang. Ang sinasabi ko lang masarap lang matulog ngayon. Itutulog ko na lang ang problema ko mamaya at sana bukas maisipan ni Henry na maling mali ang ginawa niyang pangba-busted sa akin.
Akalain mo iyon, sa tanang buhay ko, ngayon lang ako na busted, tapos sa bakla pa. baka naman hindi talaga bakla si Henry. Baka naman pinagtitripan lang ako ni Lorenzo at Mamita. Pero, imposible, meron na ngang nangyari sa aming dalawa. Hindi niya siguro nagustuhan iyong performance ko. ano bang gusto niya? iyong itatali siya? o poposasan? Gusto niya ba iyong hard? Sana sinabi niya sa akin. Nagpaka-gentle lang naman ako para hindi ko siya masaktan… nasaktan siya kasi malaki talaga iyong akin pero normal lang naman na masaktan lalo na kapag masikip ang papasukan.
Itutungga ko sana ang baso ko kaso walang laman. Nilingon ko ang bartender. Nagtatago siya sa ilalim ng counter.
“Hoy, bakit ka nagtatago riyan? Lagyan mo pa ng alak ang baso ko.” Pakiusap ko sa kaniya. Napatingala siya sa akin at parang nangangatog siya sa takot. Natawa ako sa itsura niya. tanggap kong mas gwapo siya sa akin, pero ngayon alam ko ng lamang ako sa kaniya kasi ako, kahit hindi ako gwapo o pogi o magandang lalaki, hindi naman bahag ang buntot ko, at isa pa, bakit ako matatakot sa mga iyan. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila.
“Pre, nagkakagulo na alak pa rin iniisip mo. Hindi ka ba lalabas muna o magtatago? Baka madamay ka.” Sabi niya sa akin at lalo siyang nangatog ng biglang may pumutok na baril na naman. Lumingon ako ulit sa nagkakagulo, wala namang tinamaan ng bala pero meron dalawang bugok na nag-aagawan sa iisang baril. Isa lang ba ang baril nila? o baka naman gusto nilang hiramin iyong dala ko, mas malakas putok nito…. Nakabubuntis. Hehe.
Hinarap ko ulit ang bartender, “…kung ayaw mo akong tagayan ako na lang.” Pumatong ako sa counter at inabot ko ang isang bote. Biglang may bumaril ulit at tumama sa boteng hawak ko. Nabasag at natapon ang lahat ng laman sa bartender na nagtatago na parang naiihi na sa takot. Para tuloy siyang basang sisiw na lasing. Binitawan ko ang bote at kumuha ako ulit ng isa pa. Nagpatuloy ang pagbabaril. Napatingin ako sa dalawang bugok. Nakatutok sa kisame ang baril at iyon ang patuloy na binubutas nila.
“Hindi ata sila napapagod. Ako ang napapagod sa kakapanuod sa kanila.” Kinakausap ko pa rin ang bartender, “…lumabas ka kasi riyan, hindi mo mapapanuod ang aksyon. Ang saya kaya. Tago ka lang sa likod ko, bullet proof ako. Hindi ako tatablan ng bala. Maniwala ka sa akin.” Binuksan ko ang takip ang bote. Hindi ko na nilagay sa baso, tinungga ko na lang kaagad. Nakita kong gumapang ang bartender papunta siya kung saan, “…hoy, saan ka pupunta?” Meron humarang sa kaniya. Bago pa siya masuntok, binato ko ng boteng hawak ko. Tumama sa mukha, bagsak. Takbo na naman pabalik sa akin ang bartender, “…sabi ko sa iyo, dito ka lang sa likod ko. Tatakas ka pa eh.”
“Paano mo nagagawang maging kalmado, nagkakapatayan na sila.”
“Siguro dahil sa alak na pinainom mo sa akin at isa pa, wala pa naman patay sa kanila. Iyan mga nakabulagta, tulog lang mga iyan. Kagaya noong binato ko ng bote, galing ko no? Sapol sa mukha.”
“Tama nga sabi ng kasama mong babae baliw ka na.” Sabi niya at biglang nagtago ulit sa ilalim. Bigla kong naalala si Angelica, saan na nagpunta iyong babaeng iyon? Nakalabas ba siya? Hindi ko na siya napansin.
Nakita ko si Nick na hawak hawak ng dalawang lalaki habang pinagsusuntok, wala siyang kalaban laban.
“Pre, kita mo si Nick. Akala ko ba matapang iyan siya. Bugbog sarado na siya oh. Hehe.” Natatawa ko pang sabi. Kumuha ako ulit ng bote at tinungga ko.
“Nick!” Boses ni Angelica. Napatingin ako sa gawi niya, sa pintuan ng pangbabaeng banyo. Doon pala siya nagpunta. Baka naihi siya kaya nagpunta roon.
O, teka anong gagawin mo Cass! Huwag kang lalapit. Mabugbog ka talaga.
Nabuga ko ang alak na nasa bibig ko na bigla siyang sumugod. Mas baliw pa pala sa akin talaga ‘tong babaeng ito. Kahit na pusong lalaki siya o kahit na pakiramdam niya lalaki siya, babae pa rin ang hulmahan ng katawan niya. Hindi siya sasantuhin ng mga kumag na iyan. Ano bang iniisip nitong tomboy na ‘to?
Napatayo na ako nang hinarang si Angelica at sinampal siya ng malaking lalaki na kaagad niyang kinatumba. Nakaramdam ako ng pagkainis. Nagmadali akong makalapit sa lalaking sumampal kay Cass at binasag ko talaga ang bote sa batok nito na kaagad niyang kinabulagta. Mabuti pa siya mahimbing na natutulog kaagad. Pumatunghod ako para alalayan si Cass pero meron humampas ng kung ano sa likuran ko. Malakas pero hindi ko naman naramdaman, ito ang maganda sa mga nakainom, kaya makipagbasagan ka ng mukha dahil hindi mo talaga mararamdaman kasi namamanhid ang buong katawan.
“Teka lang.” Mahinang pagkakasabi ko kay Angelica. Tumama pala ang binti niya sa mesa kaya nahirapan siyang makatayo.
“Tulungan mo si Nick.” Pakiusap niya sa akin. Tumango ako. Tumayo ako at hinarap ko ang lalaking humampas sa likuran ko. Bigla niya akong sinuntok sa mukha. Napahawak ako sa pisngi ko at medyo nahilo ako. Masakit iyon ah. Inayos ko ang panga ko at hinarap ko siya ulit. Akmang susuntukin niya at pero mas mabilis ang pagkakadibdib ko sa kaniya ng kaliwa ko na kinatumba niya. Meron pang lalapit sa akin sa kaliwa pero binigyan ko kaagad ng kanan. Tumama ang mukha sa kanto ng mesa. Tulog. Merong nanutok sa akin ng baril. Kaagad kong nahawakan ang kamay niya at binalian. Naagaw ko ang baril sa kaniya at pinalo ko sa mukha niya. Tulog. Tinutok ko ang baril at pinaputukan ko ang mga hita ng dalawang lalaking may hawak kay Nick. Napaluhod ang mga ito. Hinarap ako ng lalaking gumugulpi kay Nick. Napatingin siya sa baril ng hawak ko. Pinaputukan ko sa hita kaso wala ng balang lumabas. Napahiya ako at bigla akong natawa. Sinugod niya ako at natumba ako. Napaibabawan niya ako. Bago niya ako masuntok, iniwas ko ang mukha ko at tumama sa sahig ang kamao niya. Binayagan ko siya at namilipit siya sa sakit. Hindi niya alam kung saan siya hahawak, sa kamao niyang namamaga o sa itlog niyang nabasag. Tumayo ako. Napapalibutan na ako ng mga kurimaw na parang binubunton na nila ang lahat ng galit nila sa akin. Ano bang kasalanan ko sa mga kumag na ‘to? Inapakan ko ang mukha ng lalaki.
“Subukan niyong lumapit sa akin, sisiguraduhin kong mababasag ang bungo nitong master butaw niyo.” Mapang-asar ko pang pagkakasabi. Ngitian ko pa siya.
“Atras atras!” Sigaw ng lalaking inaapakan ko. Nakarinig ako ng wang wang sa labas. Mabilis nagpulasan ang mga kumag. Iniwan nila ang master nila, iyong mga tropa nilang tulog at ang dalawang mapipilay na ata habang buhay dahil sinigurado kong vital part ng hita ang pinataam ko ng bala. Medyo nakainom ako, kaya hindi ko rin talaga sigurado kung naasinta ko ng tama. Napatingin ako sa bartender at nakatulala siya sa akin. Kinindatan ko na lang.
MABILIS ang mga pangyayari. Sa awa naman ng Diyos, nakakapagsalita pa si Nick. Pero panigurado kinabukasan, iiyak iyan sa sobrang sakit ng katawan. Nakahiga na siya sa stretcher at meron nakalagay sa leeg niya. Meron na rin akong benta sa magkabilang palad ko. Hindi ko na matandaan kung saan ko natamo ang mga sugat ko. Hindi naman masakit. Parang kiliti lang. May hawak hawak pa nga akong bote ng alak ngayon. Kinuha ko sa loob bago ako lumabas. Nakaupo lang ako rito sa isang albulansya. Nakuhaan na rin naman ako ng pahayag. Sinabi ko lang naman na sinampal iyong kasama kong tomboy, pinigilan ko lang naman. Tagal kasi ng mga pulis. Laging late.
Nakita kong sinisenyasan ako ni Angelica na lumapit sa kaniya. Tinatamad talaga akong tumayo na. Gusto ko na nga lang din humiga sa stretcher at matulog muna sa hospital. Baka sakaling mabalitaan ni Henry na nasa hospital ako at dalawin niya ako. Hihingi ng sorry sa akin at papayag na siya sa gusto kong mangyari na magpakasal na kaming dalawa. Kaso malabong mangyari iyon.
Tumayo na ako at naglakad papalapit kanila Cass.
Angelica Cass kasi buong pangalan niya. Mas madali siyang tawaging Cass. Bago ako makalapit meron akong napansin na lalaking nakatingin kay Nick. Nakatayo lang sa gilid puno. At nang mapansin niyang napapansin ko siya. Umiwas at tumakbo papalayo.
Anong problema noon?
“Oh kamusta naman kayong mag-syota?” Tanong ko at bigla akong siniko ni Cass sa sikmura. Naduwal ko talaga ang alak na nainom ko sa sobrang sakit. Grabeng tomboy na ‘to. Malakas pala siya, bakit ba nakigulo pa ako kanina, “…ano bang problema mo Cass? May sama ka ba ng loob sa akin?” Namimilipit kong pagkakasabi, nakahawak pa ako sa tiyan ko. Napatingin sa akin si Nick. Hindi ko gustong mga tingin niya sa akin. Nagseselos ba siya sa akin? Biglang hinawakan ni Cass ang palad ko. Napakunot noo ako.
“Nick, this is Prince Ivan my fiancee.” Pakilala niya na mas lalong kinabaliktad ng simukra ko dahil sa pagkakabila.