KABANATA X – “TAONG BATO” “KILALA ko iyan lalaki na iyan. Hmm, hindi pala kilala pero nakita ko siya kagabi na kasama ni Nick Valenti. Pero parang ngayon ko lang naalala rin na parang nawala siya noong nagkaroon ng suntukan.” Sabi ko kay Sarmiento. Meron kasing isang lalaki na nakadapa sa kalsada. Nakabunggo ang sasakyan sa poste. Sasakyan niya ata o hindi ko alam. Wala naman akong pakialam sa nasa paligid namin ngayon. Basta meron dilaw na tape na nakapalibot at naka-deklara ng crime scene ang area na ito. Bukod kay Sarmiento meron pang iilang mga police officer na narito ngayon. Nandito rin ngayon ‘yong pulis na meron laruang t**i. Napatingin nga siya sa akin. Kinindatan ko lang. “Gaano ka kasigurado na nakita mo siya kagabi sa club?” Paninigurado pa ni Sarmiento. Ganiyan siya magta

