KABANATA XI – “PUSANG ITIM” “TIYA, walang kasama si Lorenzo sa bahay pwede bang umuwi ka muna sa bahay? Pabantay sa bata. Hindi pa ako makakauwi---hindi ko rin kasi siya nasama ngayon. Baka bukas pa ako makauwi” Kausap ko si Tiya. Hindi ko naman talaga iniiwan si Lorenzo ng buong magdamag ng walang kasama. Akala ko kasi sasaglit lang ako kanina sa patawag ni Sarmiento. Hmm, kung tutuusin din talaga pwede naman akong umuwi na lang muna at ipagpabukas na lang ‘tong paghahanap sa nagpapanggap na Taongbato. Ang kaso, hindi ko maiwan ang baklang si Red parang natakot talaga siya at parang gusto na nga rin magimpake at magpunta ng Japan. Hindi ka kasi talaga masasabi na lihitimong taga San Pedro kung hindi mo kilala si Taongbato. Bata pa ako kilala ko na iyon--- siya iyong laging ginagamit

