Chapter 3: Weird

2070 Words
*Beep* Beep* Beep* Naririnig ko yung tunog na yun habang nag sstruggle akong idilat ang mga mata ko. Medyo masakit pa yung ulo pero tolerable naman, nakakaramdam din ako ng onting hilo at pagkapagod. Pag dilat ng mata ko, napansin ko si mama na natutulog sa lap ko, gagalaw sana ako ng onti at dahan dahan para di sya magising pero naramdaman nya pa rin pala. "O anak, ano kamusta ka??" Tanging sambit nya habang nag pupunas ng mata. "Okay na po ako ma, ano pong nangyari??" Tanong ko kasi ang naalala ko lang is umiiyak ako kasama si waley tapos di na ako nakahinga. "Kagaya pa rin ng dati anak nag ccompress yung lungs mo kasi sa sobrang stress at pagod." Paliwanag nya "pero may bad news anak e, medyo nadagdagan yung tubig sa baga mo e, yun siguro ang dahilan kung bakit sumasakit yung ulo mo." Napabuntong hininga na lang ako, na stress na naman ako pero bawal, kailan I practice ang breathing exercise. Napatingin naman ako sa kwarto ko at sa unang pagkakataon di ako dinala sa ICU dati kasi kung may ganito na namang nang yari ICU agad e pero ngayon sa kwarto ko lang. Napansin ko naman yung kwarto ko may flowers na bouquet tapos may balloons pa at marami ring fruits, siguro galing to sa sponsors, naawa siguro hmm. "anak sino yung kasama sa rooftop?? Sya kasi huli mong kasama tapos nag padala pa sya ng flowers at mga prutas." "Si walay ma??" tanging tanong ko "Waley?? Waley ba pangalan nya akala ko Sean." Sean ba pangalan nya?? Ay oo pala nag pakilala pala sya sa rooftop nun. "ahh." "Boypren mo ba yun anak?" pang iintriga nya "luh si mama, nakaratay na nga ako dito tapos nang iintriga ka dyan." "e kasi nung dinala ka nya dito umiiyak sya tapos di sya umalis hanggat nung naging stable ka tapos dami pang regalo hehe." Pag papaliwanag ni mama Ay so sakanaya pala galing 'to, hmm bakit kaya?? "Ma nag kaaway lang po kami e, baka peace offering nya." "LQ??" pang aasar nya, akala ko okay na sagot ko e. "Ma??!" sabi ko na lang para tumigil sya. Habang nag aayos si mama ng kwarto ko biglang nag bukas yung pinto at niluwa nito ang pamilyar na tao. Si Waley aka Shawn?? Ay Sean?? "Uy Hope gising ka na okay ka na??" tanong nya?? "A e oo bakit ka andito??" tanong ko naiilang kasi ako kasi yung tingin ni mama e ma issue. "O eto kasi ibibigay ko sayo." Hinugot nya naman yung nasa likod nya, stuff bear yun na kulay brown na ang cute. Di ako mahilig sa mga ganun, pero first time ko kasi makatanggap ng ganun na galing sa ibang tao na kaka meet ko lang, usually kasi galing kay mama o kaya sa sponsor pero other than that wala na. "uy ang kyut." Tanging sabi ko sa kanya, napansin ko namang naka ngiti lang ito sa akin. "ngeks oo nga pala bakit may paginto, ano meron??" pahabol ko "ah anak aalis muna ako a, maliligo dyan na kayo ni mister stuff bear hehe. Bye anak." Sabi na lang ni mama sabay alis. Nakaka intriga yung mga tingin nya e. "A e wala feeling ko kasi mabilis kang gagaling kapag nag bigaya ko ng ganyan e." sabi sabay ngitin ng malaki pero di kita yung ngipin. "Ngeks, e paano yan e wala akong mabibigay." Sabi ko habang yakap yakap yung stuff bear "kiss na lang" sabi nya. Wala akong kinakaain pero paramg nabilaukan ako sa sinabi nya sa akin. Bakit ganun sya nakaka ilang na ewan. "Uy okay ka lang??" sabi nya "ano ba kasi yang pinag sasabi mo??" "joke lang naman yun e, sige na kahit wala ng kapalit basta mag pa galing ka, sobra sobra na yung kapalit. Hehe" Di ko alam kung anong mararamdaman ko, kumakabog yung dibdib ko, ganito ba pag nag ccompress yung lungs?? Nginitian ko na lang sya biglang sagot. Nakaramdam naman ako na naiihi ako kaya baba sana ako kasi naka connect pala ako sa malaking oxygen tank tho may gulong naman sya pero mabigat pa rin kapag itutulak. "o saan punta mo?? Diba sabi kong mag pa galing ka paano mo mababayaran yung stuff toy??" "luh para namang sira to, naiihi ako e." "Ay okay sige heheh ang oa ko." Nginitian ko na lang sya na may pataray "ahmm waley ay este Shawn." Tawag ko sa kanya. "Uy Shawn!" tawag ko ulit pero di nya ako nililingon. Nabingi na ba 'to?? "Uy lalake!" tawag ko ng may malakas na boses "Sino si Shawn?? Ako na nga andito tapos Shawn pa hanap mo, sino yun??" taning nya na medyo galit. "Luh diba panagalan mo yun?? Shawn ka di ba??" sabi ko skanaya na naguguluhan. Ang weird nya sobra. "Ngeks e Sean kaya yung pangalan ko bakit naman naging Shawn??" "ay akala ko kasi yun e, sounds like kasi." Pagpapaliwanag ko naman. "Ay sige ano ba yun??" sabi nya na lang at medyo bumalik naman yung mood nya, weird. "ahmm pwede paki tulak yung oxygen tank, di kasi kaya, e kung okay naman." Request ko. "ahh yun lang naman pala e, wait." Pag ka dating namin sa may CR tinaas ko na yung hospital gown pero naalala ko nandun pa pala si Shawn ay este Sean Nilingon ko sya at nakita ko syang naka tingin pa rin sya sa akin, tinignan ko na lang sya ng masama pero nakatingin pa rin sya na nag tataka sa akin. "Gusto mo bang may participation ka pati sa pag ihi ko??" biro ko na lamg sa kanya "ay sorry, e pareho naman tayong lalake e." sabi nya. "Talikod na!" sabi ko na lang na medyo galit para sumunod sya. Tumalikod naman ito at umiihi na ako, sumisilip ako baka kasi mamboso. I mean lalaki kami pareho pero naiilang pa rin ako syempre BI ako at sya di ko alam pero feeling ko straight sya kaya naiilang talaga ako no. Pagkatapos kong umiihi e bumalik na kami, nahuhuli ko naman syang naka tingin sa akin kaya prinangka ko na siya. "ano bang meron?? Bakit parang sobra sobran naman yung participation mo a?? Ano bang trip mo??" sabi ko ana lang sa kanya. "Ha anong sinasabi mo jan??" "kasi pa rang ang sweet mo sa akin tapos basta parang naiilang ako." "So I am being sweet to you, sweet na to sa'yo??" sabi nya habang papalapit sa akin. Mas napansin ko yung kagwapuhan nya ngayon, ang seductive nya rin ngayon habang nakangiting parang manyak. Ano ba 'to?! Habang palapit sya bigla syang natisud at dahilan para babagsak sya sa akin, pero halfway palang e nakapag switch na agad sya ng pwesto habang nasa ere kami at ako ngayon nasa ibabaw. Bumagsak kami sa higaan ko habang naka patong ako sa kanya. "on top ka pala??" sabi nya Ano naman yun, nasa top ako kasi ang clumsy nya tsk. "Huh?? Anong pinag sasa-" di ko na tinuloy yung sinasabi ko kasi narinig naming bumukas yung pinto. Sabay naman kaming lumingon at nakita ko si Irene na gulat na gulat. "Ay, anong nangyayari??" sabi nya sabay lakad papasok, sinarado nya naman agad yung pinto. "A e, wala wala." Sabi ko na alang na stress ako, sabi ko bawala akong ma stressin sarili ko pero wala nakaka stress yung mga nang yayari. "gusto kasing pumaiibabaw ni Hope kaya alam mo na hehe" sabi naman ni Sean. Napatawa naman si Irene tapos ngumiti rin yung loko "sige na aalis na ako, bye Hope." Di nya hinitay na makasagot ako at unalis na sya. Bumalik na ako sa kama ko at naupo duon "oy te anong nagyayri, galing kalang sa mahimbing na pagkatulog pag gising mo may kaharutan ka na, sleeping beauty??" pan aasar nya Tinawanan ko na lang sya, di ko naman kailangan mag paliwamag kasi wala lang naman sa akin yun e. Nag rounds lang siya tapos umalis na, nang aasar pa si Irene pero di ko na lang pinanasin at natulog na. +++ Araw araw dumadalaw si Shawn sa akin as in and guess what everyday din meron syang dala, minsan mga materyal na bagay pero mostly mga pagkain talaga. Nakakatuwa mang isipin na may ganito syang side pero ang weird pa rin e, aside sa ginagawa nya e ang lakas ng kabog ng puso ko, ewan ko kinakabahan ba ako?? Natutuwa ako at sila doc kasi first time in 18 years bukod kay Irene may naging kaibigan ako sa ospital. Ngayong araw inaasahan ako na bibisotahin ako ng mokong na yon, may surprise oa naman ako sa kanya kasi tinggal na lahat ng nakaka kabit sa akin, maliban sa oxygen tank pero ngayon yung maliit na lang at very handy na. Naghihintay ako sa may kwarto ko pero wala, mag tatanghali na pero wala pa rin sya usually bago mag 10 andito na yun e para ngayon late sya hmmm. Parang naiirita ako na ewan sa mga nangyayari, may surprise kasi ako tapos ako pa yung ma ssurprise kasi wala yung inaasahan kong issuprise ko. Ang g**o!!! Hayst bago ako ma strss at mag contract ang mga lungs ko, napag pasyahan kong matulog. +++ Nagising ako kasi parang may nag uusap sa kwarto ko, parang medyo marami sila e, kaya bumangon ako. Pag bangon ko nakita ko naman na nandun na si Shawn yung bwisit na late na yan hmmm. "Hi!" sabi nya sa akin. Di ako umiimik kasi naka tulala ako sa mga ngiti nya. "tara may forum kami, alam ko kasing ayaw mo ng ganun kayo ako na magdadala sayo. Hehe" sabi nya nag unat muna ako at nakinig sa kanya. Di na ako samama sa bilog, andun si Mama tapos yung ibang mga may sakit din sa ospital mga tatlo yun at may nakita din akong isang lalake na di pamilyar at oarang walang sakit. Nang nataoos yung forum lumapit sa akin yung di ko kilalang lalaki. "Uy ikaw ba yung Hope na hopeless??" tanong nito "ha ano ulet sabi ko." "Ay kasi si Sean e, kine kwento ka niya sa akin e. Hehe cute mo pala no?" Nagulat naman ako sa kanya at nahiya, first time kong makatanggap ng compliment galing sa ibang tao. "Luke pala." Pagpapakilala nya "ay Harold" sabi ko naman sabay abot ng kamay "e mas okay yung Hope e so Hope ang pangalan mo sa akin." Sabi nya. Lumapit naman agad si Sean at inakbayan si Luke. "Pare an meron, bakit kayo naguusap??" tanong nya. "Ay wala pare kinamusta ko lang hehe" "Hope, labas tayo??" tanong nya "ay sige mag paalam lang ako." "okay na pinag paalam na kita kay mama, okay na den." Sabi nya W-E-I-R-D Umalis naman sya pero di na sumama si Luke sa amin. +++ Nakarating kami sa may garden ng ospital sa labas din yun pero okay lang kasi pa sunset na. "Late ka kanina a??" pambasag ko sa katahimikan "ahhh hindi kasi kasama ko family ko e, nag celebrate" sabi nya. "ngeks anong okasyon??" "birthday ko." Sabi nya Shocks birthday nya?? "luh happy birthday!! Di ka naman nag sabi wala tuloy akong regalo." "Nung naka recover ka at naka alis tayo na tayo lang, an laki ng regalo to hehe." Ang weird nya talaga, di ko na alam nangyayri. "Bakit mo pala ginagawa 'to?? Saka di naman alo mag papakamaty e kaya wag kang mag alala at saka okay na ako, di mo naman ako kargo e." mahabang paliwanag ko. "alam ko, kaso kasi ayaw ko ng ganun e, yung suicide suicide na yan ayaw ko, kaya nung akala kong mag papakamatay ka nataranta talaga ako kaya ayun ganto na lang lag aalala ko hehe." Mahaba nyang eskplenasyon. "Na iilang lang ako kasi from mag ka sagutan sa may chapel to ganto tayo ehhe parang wala man lang transisyon hehe." Sabi ko nalang "gusto mo bang lumayo ako??" Ano lalayo syq?? "ahmm no??" Anong sinasabi ko?? Ngumiti naman sya "Huy kanina sabi mo late ako, so hinihintay mo ako, ikaw ha." Pang aasar nya. "Luh sya o." Huminto sya sa pag tawa at tumitig ng seryoso sa akin. "Hope, can we be friends??" Ang g**o, pero siguro okay lang to para may iba din akong kaibigan. "Ahmm yes??" "bakit unsure hehe." "Hehehe Yes we can be friends." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. +++ A/N: HELLO SO SANA SUPPORT NYO PO RIN ITONG STORY SANA MAGUSTUHAN NYO PE HEHEHE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD