bc

Deal with the Mafia Lord

book_age18+
918
FOLLOW
7.5K
READ
revenge
pregnant
badboy
mafia
bxg
cruel
like
intro-logo
Blurb

"Bear my child, I'll give you two million. Then, leave." - Cameron Silvestre. Their deal was to bear his child, kapalit ay dalawang milyon at pagkatapos ay magpapakalayo na si Charity at iiwan ang anak kay Cameron Silvestre- The notorious, f*****g cold, distant, heartless Mafia Lord. Probably, the most hated, feared man she ever known. But...When Charity saw her child's eyes, after giving birth, nagbago ang lahat. She ran away with her baby, breaking the deal, Hid from Cameron's wrath.But she won't be able to hide from Cameron Silvestre forever. At nang matagpuan sila ng lalaki, doon na nagsimula ang kalbaryo ni Charity sa kamay ng isang walang pusong Mafia Lord.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
AND now, what am I doing here, huh? Iyon ang naitanong ng binatilyong si Cameron sa kaniyang isipan. His eyes then scanned the dark and dirty place. Nasa harapan niya ngayon ang dalawang lalaki na mukhang papatay, anumang sandali. Pero ganoon pa man, wala siyang maramdamang takot, sa totoo nga ay mas may nabubuhay na excitement sa kaloob-looban niya. "Oy, bata. Huwag mo ng balakin na makialam dito, umuwi ka na!" Nakangisi at tila tinatakot siya upang umalis na lamang sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Cameron grimaced. As if naman ay matatakot siya rito, matagal nang limot ng kaniyang sistema ang salitang 'takot'. He wasn't born for that. "Gusto rin yatang makisali sa gagawin natin sa babaeng 'to." Sabay hagalpak ng isang lalaki matapos sabihin ang mga katagang iyon. Lumipad ang tingin ni Cameron sa isang dalagita na tahimik na humihikbi, habang nakatalpak sa maruming sahig. Oh yes, ito pala ang dahilan kung bakit naroon siya. Nakita niya kasi kanina sa gilid ng kalsada ang paghila ng dalawang lalaki rito, habang papadaan ang sinasakyang niyang kotse, at hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya, upang sundan ang mga ito. Wala naman dapat siyang pakialam pa sa kung ano man ang gagawin ng dalawa sa dalagita, but something deep inside him want to save the poor girl. "Tulungan mo ako." Umangat ang ulo ng dalagita at tumingin sa kaniya, and now, he had the full access to observe her face. She had a high nosebridge, a beautiful little pair of lips, and those hazel eyes of her gave him a warm feeling. She's a beauty, indeed. Kaya siguro ganoon na lamang ang kasabikan ng dalawang lalaki na gawan ng masama ito. "What can I get in return, if I help you?" Nanlaki ang mga mata ng dalagita sa tinuran niya. "Seriously?!" Bulalas ng babae at biglang tumayo, pinunasan ang mga luha. "Tsaka na lang natin pag-usapan iyan, kapag pareho na tayong ligtas sa mga pangit na 'to!" "Close your eyes then." Walang kangiti-ngiting utos ni Cameron sa babae. Agad namang ginawa ng dalagita ang utos nito. "Mayabang kang batang uhugin ka, ah! Tignan natin hangang saan ang tapang mo!" Galit na bulyaw kay Cameron ng isang lalaki, pagkaraan ay magkapanabay na sinugod ng mga ito ang binatilyo. Cameron didn't even move from where he stood. Hindi man ito kakikitaan ng kaba o takot. Tila sanay ito sa dahas sa ganoong edad pa lamang. Hindi alam ng dalawang lalaki na ang kaharap ay dumaan na sa maraming pagsasanay ng mga close combat techniques, martial arts na kinakailangan ng isang Silvestre. Parang napakadali lamang para kay Cameron ang pag-iwas at paminsan-minsang pagsalag sa mga suntok na pinapakawalan ng dalawa, halos hindi nga makatama ang mga ito at nais niyang pagtawanan ang dalawang unggoy. Kahit nasa bente pa lamang si Cameron, malaki ang bulas nito at ang pangangatawan. Nagdilim ang paningin niya nang may nakalusot na suntok at tumama sa may gilid ng bibig niya, dahilan upang magdugo iyon. Hindi naman iyon gaanong masakit, may sasakit pa ba sa mga latigong natamo niya noon mula sa ama? Wala na. Panandaliang tumigil sa pagsugod ang dalawa at nakangising tumingin sa kaniya. "Ano, bata? Hangang ilag at salag ka na lamang ba?" Mayabang na tanong sa kaniya ng isa. Pinunasan ni Cameron ang gilid ng labi at taas noong ngumisi rin sa mga ito. Kita niya ang tila bahagyang pag-atras ng dalawa, tila may anong nakita ang mga ito sa kaniyang mga mata na ikinakot ng mga ito. "Iyon ang una't huli." He smirked. "It's my turn." And gave them the Judo poses. Muling sumugod ang dalawa, this time ay may inilabas na balisong ang isa. Ngunit gaya nga ng sinabi ni Cameron kanina, iyon na ang una't huling makakatama sa kaniya ang dalawa na napatunayan naman niya. Ilang saglit pa ay makikita na ang pagbagsak ng dalawa sa maruming sahig. Kapwa mga duguan dahil sa mga tinamong tama mula kay Cameron. Halos makikita ang pagkabali ng mga buto ng mga ito, lalo na sa parteng kamay na mas pinuruhan ni Cameron. "Uy, ano na? Tapos na? Puwede ko na bang idilat ang mga mata ko?" Lumipad ang tingin ni Cameron sa dalagita na nasa sulok. Did he just saved a life? Iyon ang katanungang naglaro sa isipan ng binatilyo. Walang salitang naglakad na lamang siya palayo. NANG tanging mga marahang halinghing na lamang ang naririnig ni Charity, at wala na ang tunog ng nagsasapakan, marahan niyang iminulat ang mga mata. Masunurin talaga siya, hindi niya iminulat ang mga mata magmula kanina. Wala na ang knight in shining armor niya pagmulat ng kaniyang mga mata, ang dalawang manyak na nakabalandra sa sahig na lamang ang naroon. Para makabawi sa kalapastangan ng mga ito, binigyan niya ng mga tig-isang sipa ang dalawa, sabay takbo upang hanapin ang nagligtas sa kaniya. Ngunit wala na nga ito. Napapadyak na lamang ang dalagita. "Ni hindi ko man siya napasalamatan, ayy..." *** "IPALILIGPIT ko ho ba sila?" Iyon ang bungad ni Servant Kim nang makalulan na siya sa black porsche. Si Servant Kim ang kaniyang personal driver mula pagkabata pa lang niya. "Nah. Let them live and suffer." "Hindi ka ba natatakot na malaman ito ng iyong ama?" Muli ay isang katanungan mula kay Servant Kim. "Hindi niya malalaman kung wala kang sasabihin," masungit niyang tugon dito. Hindi na sumagot ang lalaki at ngumiti na lamang ito. Ipinangako ni Cameron sa sarili na iyon ang una't huling makikialam siya sa mga ganoong bagay. Alam niyang hindi ikakatuwa ng kaniyang ama ang ginawa niya ngayon. Nakakatawa, hindi ba? Ang ibang ama siguro ay matutuwa kapag nalaman na may ginawang kagitingan ang mga anak. But not his father. He is different. Ayaw nitong nakikialam sila sa mga bagay na wala silang mahihita. Kung mayroon man siyang kilalang isang tao na napaka-selfish at lupit, iyon ay ang kaniyang ama. For Cameron, his father is a monster, and his father was slowly turning him too into a monster. Ano pa nga ba ang aasahan niya? He is a Silvestre. He is a son of a Mafia, and soon he will become the Mafia Lord- a distant, cold, heartless mafia lord. For short, a Monster.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook