"CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apa

