KINABUKASAN nga ay ramdam na ramdam ni Charity ang sakit ng kaniyang katawan at siyempre ang bahaging iyon sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi niya alam kung nakailang beses siyang naangkin ni Cameron kagabi, basta ang alam niya lang ay nakatulog na siya sa sobrang pagod na naramdaman at madaling araw na iyon. Tumingin siya sa tabi niya at wala si Cameron, sa malamang ay lumabas na ito at pumasok na ng opisina, alas nueve na rin naman ng umaga at alam niyang maagang pumapasok si Cameron. Napangiti siya nang maalala kagabi kung paano sila magyakap ni Cameron sa kama matapos ang mga maiinit na pagniniig. Nag-unat-unat pa siya bago bumaba sa kama, hindi na siya nag-abalang balutin ang hubad niyang katawan ng kung ano at dumiretso siya sa banyo. Marahan siyang naglakad patungo doon dahil

