"CAMERON really changed a lot." Napatingin si Charity kay Lesley na katabi niya ngayong nakaupo sa isang bahagi ng yateng kinaroroonan nila. Pareho silang may hawak na champagne na panaka-naka lamang nilang iniinom. Sinundan niya kung saan nakatutok ang mata ng babae. Kay Cameron na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan kina Devius at iilang bisitang sumama sa yate. "Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan at nakikipagkwentuhan na tila ba nag eenjoy. Para na siyang tao at hindi na robot na blanko lagi ang ekspresyon noon." Tinignan siya ni Lesley na may pang-aasar na mukha. "What did you do to him? Pinainom mo ba 'yan ng gayuma or what?" Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang tinapik ang braso ng babae. "Grabe ka naman mag-isip. Pati nga ako nagulat na ganiyan na siya. Malayong

