"NARITO po si Senior Silvestre, Sir Cameron," imporma ni Servant Kim kay Cameron na abala sa pagpirma ng mga dokumento. Itinigil niya ang ginagawa at sinenyasan si Servant Kim na papasukin ito. Alam naman niya ang ipinunta nito roon at tiyak nabalitaan na nito ang pagtakas ni Charity. Malamang sa malamang ay iinsultuhin siya ng ama. Ganoon naman ito sa tuwing may kapalpakan siyang nagagawa. "Kailangan pa ba talagang paghintayin ako sa labas?!" Galit na bungad ni Senior Silvestre sa anak. "What brought you here?" He asked, completely ignoring his father's words. Lumapit ang ama niya malapit sa kaniyang table at sumipsip sa tabakong dala. "Nabalitaan kong itinakas ng maralitang babaeng iyon ang aking apo!" "Yes, she did." Tila walang pakialam niyang saad habang binabasa ang papel na

