ISANG oras mula nang i-lock ni Cameron ang pintuan sa kaniyang silid, naramdaman ni Charity na tila may bumukas nun. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga at hinintay kung sino ang papasok. Mugto ang kaniyang mga mata dahil sa kakaiyak. Iniluwa ng pintuan si Servant Kim, kasama si Miss Salve na may dalang tubig at iba't ibang pagkain pa. "Miss Charity, kumusta ang pakiramdam mo?" Banayad na tanong ni Servant Kim sa kaniya. Bakas sa mukha ng matandang lalaki ang awa patungkol sa kaniya. Hindi napigilan ni Charity na muling maiyak. Agad na inilapag ni Miss Salve ang mga dalang pagkain sa bedside table at dinaluhan siya. "Huwag kang masyadong mag-iiyak, hija. Makakasama sa'yo at sa bata," nag-aalalang pag-alo nito sa kaniya. "Ayoko dito, Miss Salve. Para naman akong preso rito," an

