"SOBRANG dami naman po ng mga ito?" Nalululang turan ni Charity nang makita ang napakadaming damit ng kaniyang ipinagbubuntis, branded lahat iyon alam niya at talagang napakadami! Dala ni Servant Kim ang mga ito at ibinigay sa kaniya nang umaga paggising niya. "Inutusan akong bumili ng mga 'yan ni Sir Cameron. Nagpatulong ako sa kakilala kong maalam sa mga gamit pambata." Nakangiting saad naman ni Servant Kim na nakatayo sa paanan ng kama. Tahimik na pinagmasdan ni Charity ang mga damit na nakalapag sa kaniyang kama na halos mapuno na. Nakaramdam siya ng saya dahil mararanasan ng anak niya na magkaroon ng maraming magagandang damit na hindi niya naranasan noon. "Baka gusto mong maglakad-lakad ngayon sa tabing dagat, Miss Charity?" Gulat na napatingin si Charity sa matanda na nakangiti.

