GAYA ng sinabi ni Cameron, nagtungo sila sa Moalboal Cebu, kung saan marami silang maaring gawin, like scuba diving and snorkeling. Balak din niyang ayahin si Cameron na ipasyal sila sa mga heritage sa Cebu, isang bagay na gustong-gusto niyang gawin doon. Totoo ngang napakaganda sa Cebu at ngayon lang niya napuntahan ang lugar na iyon kaya susulitin na niya. "Wow! I like it here, mommy!" Ani Calista habang naglalakad-lakad sila sa tabing dagat. Naiwan kasi si Cameron sa kanilang kwarto dahil may kausap itong importanteng tao. Napili nilang mag stay sa Panagsama beach in Basdiot dahil maraming magagandang hotel malapit doon at malalapit sa mga iba't ibang restaurants. "Same here, baby. Marami pa tayong papasyalan kaya mas marami ka pang makikitang magagandang lugar rito," aniya sa ana

