NAIILANG si Charity habang nililinisan niya ang sugat ni Cameron, paano ba naman ay kanina pa siya nito matamang pinagmamasdan. "Don't look at me that way, baka gusto mong dikdikin ko ulit ang sugat mo?" Masungit niyang turan sa lalaki na tinaasan lamang siya ng kilay. "Puwede bang sa susunod ang sakyan naman natin ay 'yung alam mong safe kami ni Calista? Muntik na kaming mamatay kanina," reklamo niya sa lalaki. "Yeah. That's my big mistake, ang doon kayo isakay knowing na mas maraming kalaban sa paligid ang gusto akong pabagsakin. But they always failed." "Pasalamat ka na lang na hindi ka napuruhan," aniya habang binabendahan na ang braso nito. "Oh, hayan na. Feel better?" Aniya matapos bendahan ang braso ni Cameron. Tumayo na siya at niligpit ang mga ginamit. Tahimik lang si Cameron

