SARAP na sarap si Charity habang nilalantakan ang pagkain na ni-request niya. Itlog na pula na may kamatis at fruit salad. Maghapon na niyang hindi nakikita si Cameron at ngayon nga ay maggagabi na pero ni anino nito ay hindi niya makita. Tanging si Servant Kim at Miss Salve ang nakikita niya roon, pati pala ang piloto ng chopper. "Mukhang nag-eenjoy po kayo sainyong pagkain," ani Servant Kim na kakapasok pa lamang sa dining area. Tinignan niya ito at nginitian. "Napakasarap nito, Servant Kim. Kumain na po ba kayo?" Tumango ang nakangiting si Servant Kim. "Siya nga pala Miss Charity, maaga tayo bukas pa-maynila." Natigilan sa pagsubo si Charity at nangunot ang noo. "Anong meron, Servant Kim?" "Check up niyo po bukas sa isang OB. Upang mabigyan kayo ng vitamins at kung ano pa. Mamim

