GABI na ng makabalik sina Calista at Charity sa mansion ni Cameron matapos nilang inihatid si Stef kina Madam Ada. Siya na rin ang gumamot sa mga sugat ni Stef. Hindi niya makalimutan ang hitsura ni Madam Ada nang malaman ang nangyari. Kung magagalit ba o hindi, dahil para rito parehong anak nito ang dalawa at naipit ito. Bagay na naiintindihan niya. "Paki-akyat na po si Calista sa kwarto," aniya kay Servant Kim na siyang sumama sa kanila sa maghapon. Tinapunan niyang tingin si Sharlot na nakaantabay lang. "Ikaw na ang bahala muna kay Calista, may kakausapin lang ako," sabi naman niya sa babae na tumango at sinamahan na si Servant Kim na iakyat si Calista na himbing ang tulog sa mga bisig ng matandang lalaki. Nagtungo muna siya sa kusina at uminom ng malamig na tubig upang kalmahin ang s

