"WHAT the hell?!" Inis na bulalas ni Cameron nang makita ang mga mahalagang dokumentong hinahanap sa itaas ng mesa, dahil doon doon niya naalalang nilagay pero nakita niya ang mga ito sa drawer at may mantsa pa ng kape. "Charity..." Gigil niyang bigkas sa pangalan ng babae. Kinuha niya ang mga papel at mabilis ang mga paa na bumaba sa lanai kung saan naroon si Charity at si Calista. Naglalaro ang dalawa, habang sinasabayan na rin ng pagmemeryenda. "What's this?" Madilim ang anyong tanong ni Cameron kay Charity. Natigilan ang dalawa sa paglalaro at napatitig ang mga ito sa kanila. "I'm asking you, what's this?" "Papers, isn't it obvious?" pilosopong sagot ni Charity sa lalaki. Lalong tila kumulo ang dugo niya sa sagot nito. Hindi ba nito alam na mahalaga ang mga papel na iyon at bina

