KANINA pa tinatawagan ni Charity ang kaibigang si Milet, pero ring lang nang ring ang cellphone nito, malamang ay busy na ito sa trabaho dahil pang gabi ang trabaho ng kaibigan. Binigyan siya ng cellphone ni Cameron bago ito umalis at mahigpit na ipinagbilin na tanging ang kaibigan lamang niya ang maari niyang tawagan. Malamang ay si Milet lang ang tatawagan niya dahil wala naman na siyang ibang pamilya at hindi siya interesadong tawagan ang tiyahin niya. Buti na lang talaga ay kabisado niya ang number ng kaibigan. Nang wala pa rin sumasagot ay nagpasya na siyang bumaba sa kusina upang tignan kung ano ang iniluto ni Ms. Salve para sa kanila nang gabing iyon. Nadatnan niya itong naglilinis sa kusina kahit gabi na. Pero malinis naman na ang lahat, sadyang ganoon lang siguro ang mga matatand

