MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO... "FINALLY tapos ka na," saad ni Charity sabay punas sa pawis na tumatagaktak sa kaniyang noo. Masaya niyang pinagmasdan ang munting hardin niya na ginawa sa likod ng bahay nang hapon na iyon. Sa sobrang boring niya sa mga nakalipas na araw ay iyon ang napagdiskitahan niyang gawin, tho mahilig naman siya talaga sa mga halaman. Isang linggo na sila sa Isla Silvestre pero wala naman nangyayari sa kanila ni Cameron. Actually, lagi itong wala dahil tila may mahalaga itong inaayos. Halos hindi na nga sila magkita dahil sa tuwing gigising siya ay wala na ito. Katulad ngayon, nasa isla nga si Cameron pero maghapon itong nasa silid. May balak ba talagang magkaanak ang mokong na iyon? Bulong ni Charity sa isipan. Inayos niyang muli ang mga tipak ng bato na ginawa

