Masayang kong ibinalita kay Red ang napag-usapan namin ng Lola Maming. "Thank you, hon. Wag kang mag-alala dadaan tayo mamaya sa kanya bago tayo umuwi at isasama natin ang mga bata." "Pero Red ang mga bata dapat na rin nating sabihin sa kanila ang totoo," nag-aalalang paalala ko kay Red. "Ayoko nang magsinungaling pa sa kanila.” Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil. "Wag kang mag-alala sasabihin na natin ang lahat sa kanila. Alam kong maiintindihan rin nila tayo," sabi naman nito. "Mommy, uwi ka na ba ng bahay?" malungkot na tanong ni Dre. Lalabas na kasi ito ngayon ng ospital dalawang araw na rin kasi itong nanatili sa ospital. Nagkatinginan kami ni Red, nag-iisip kong ano ang sasabihin dito. Tumango si Red at hinawakan namin ang kamay ng isa't isa, hudyat na kailangan na namin m

