"Good Afternoon po Lola Maming," masayang bati ni Dre sa Lola Maming sabay mano rito. Naabutan namin itong naglilinis ng bahay. Siya lang mag-isa dahil nasa trabaho ang dalawa kong kaibigan. Nagulat man ang matanda, natawa na lang ito sa kabibohan ni Dre. "Mano po Lola," sabi naman ni Danna sabay mano ko rin rito. Yinakap siya ng mga bata at natuwa naman siya sa mga ito. "Ang babait naman ng mga batang 'to. Kaawaan kayo ng diyos," masayang sabi ni Lola Maming. "Mano po," sabi naman ni Red. Nagmano rin ito sa matanda. "Kaawaan ka ng diyos." "Si Danna at Dre po Lola. Mga anak po ni Red," pakilala ko sa mga bata, sabay mano ko rin rito. "Mga anak ko po," dugtong pa ni Red. "Lola, marami po kaming pasalubong sa inyo," masayang sabi ni Dre. "Talaga! Tingnan nga natin," masayang sabi

