"Mauuna na po kami Lola. Gumagabi na rin kasi," paalam ni Red kay Lola Maming. "Sige iho, ingat sa pagmamaneho," wika naman ng matanda. "Mommy, hindi ka ba sasama sa amin sa pag-uwi?" naiiyak na tanong ni Dre sa'kin habang mahigpit na nakayakap sa'kin. "I'm sorry, baby. Sa susunod na lang wala kasing kasama ang Lola Maming dito," paliwanag ko rito. "Eh di! Isama na lang po natin ang Lola Maming sa bahay para sama-sama na tayo doon," malungkot na sabi nito. "Sa susunod na lang anak," pakiusap nito, "Promise," sabi niya rito. "Mommy, sige na please. Sama ka na. Uwi na tayo. Lola, please payagan niyo na si Mommy na umuwi sa bahay," nagmamakaawa itong lumapit at yumakap sa matanda. "Paano kaya kung dito ka na lang matulog, gusto mo ba? Tabi tayo?" masayang sabi ng Lola Maming kay Dre.

