"What's your plan about the wedding, hon?" tanong ni Red. Habang nasa isang wedding boutique kami kasama ang organizer ng kasal namin. "Gusto ko sana engrandeng kasalan, eh!" sabi nito. "Pero mas gusto ko sana simpleng kasalanan lang, Red," wika ko rito. " Yung tayo-tayo lang kasama ang mga piling kamag anak at kaibigan natin. "Sigurado ka?" tanong nito. "Hindi ba pangarap ng lahat ng mga babae ang isang engrandeng kasal?" sabi pa nito. "Oo naman, Red. Siguradong-sigurado ako, kahit simpleng kasalan lang ang importante lang naman kasi sa'kin ay ang makasal at ang magsama na tayo," paliwanag ko rito. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil at ngumiti. "Kung ano ang gusto mo, eh! Di 'yun ang gawin natin," masayang sabi nito. "I want a beach wedding with a simple wedding gowns," sabi nam

