"Asan ba kayo at hindi niyo sinasagot ang mga tawag ko?" galit na bungad ni Red ng tawagan ko ito gamit ang phone ni Danna. "Pasensiya na Red, kasama ko ang bata ngayon." "The h*ll with you Dhea. Nasaan ba kayo?" galit na wika nito. "Nasa mall malapit sa school ng mga bata." Tet. Tet. Tet. biglang naging busy ang phone niya. "Hello! Hello! Hello, Red? Nandiyan ka pa ba?" Tet. Tet. Tet. Ang taong 'yun binabaan ako," inis ni wika niya. "Parating na ang daddy niyo," sabi niya sa mga ito. Ilang sandali pa nang dumating na nga ito. Halata sa mukha nito ang galit. Kunot ang noo at nagbabaga ang mga mata sa galit. Ramdam ko ang takot sa mukha ni Danna at Dre nang mabungaran ang pagbaba ng sasakyan ng Daddy nila at binuksan ang pinto ng sasakyan. "Sakay!" galit na saad. Kita sa mukha nito an

