"First thing first Dhea," seryosong sabi ni Red. "You're here to pretend as my kids mother not as my wife." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Sinasabi ko na nga bang naka-double mask ang lalaking 'to. Nagbabait-baitan kapag kaharap ang mga anak, pero para namang nasasapian kapag ako ang nasa kaharap. Tse!" sigaw ng utak ko. "You may look like her, but you will never be like her," mariing saad pa nito. Nasaktan man ako sa sinabi nito, hindi ko na lang ito pinatulan pa. "I know, Mr. Villigas. You don't have to remind me," taas ang mga kilay na saad ko naman. "Mabuti naman at nagkakaintidihan tayo. Consider this as your job. And I will pay you. Double sa salary mo." "Eh, hanggang saan mo naman ako kailangang magpanggap?" tanong ko.. "Hanggang sa hindi pa bumabalik ang totoong Mo

