Chapter 6:

1244 Words
"Mommy," umiiyak na tawag ni Dre palabas ng kwarto nito. "Mommy, Mommy. Where is mommy?" "Tama na Dre, wag na umiiyak, please." tahan ng yaya nito. "Ano'ng nangyayari dito?" nag-aalalang tanong ni Red. "Daddy," sabi ni Dre, sabay yakap nang makita siya nito. "Hinanap po kasi ang Mommy niya," sabi ng yaya nito. "Daddy, where is Mommy? " umiiyak na sabi ng anak. "Shss... Tama na. Umuwi lang anak ang Mommy, babalik din kaagad siya." "I want to see Mommy. Please daddy." Napabuntonghininga na lang siya. "Okay susunduin natin siya mamaya." "Yehey! Thank you daddy," masayang sabi nito sabay yakap sa ama. "Yaya, maghanda na kayo at aalis tayo maya-maya," utos nito sa katulong. "I'm not coming," galit na sabi ni Danna. "Of course your coming with us. So go ahead and change," seryosong utos niya. Wala na itong nagawa kaya padabog itong tumalikod sa ama at pumunta ng kwarto. *** "Dhea may gwapong naghahanap sa'yo sa labas ?" masayang balita ni Fil. Dali-dali kong tinapos ang pagsusuklay ng buhok. Alam ko na kasi kung sino ang bisita ko. Kaya maaga akong nagising. "How do I look?" tanong ko sa kaibigan. Naka-pants, fitted shirt and white shoes lang naman ako kaso, this time naglagay ng blush on at red liptint. Tumaas ang kilay nito at sinipat ako mula ulo hanggang paa. "Wow excited ang peg. Mukhang pinaghandaan," mataray na sabi nito. "Tumigil ka nga! Ano okay ba ang itsura ko?" "Hmm... Masyadong makapal ang blush on mo bakla." Tumingin naman ako sa salamin at pinunasan ito. "Yan?" tanong niya ulit. "Hmm. Pwede na." "Ano'ng pwede? Hindi ba bagay?" kunot noo niyang tanong. "Maganda ka naman freny kahit hindi ka maglagay ng make-up. Pero mas maganda ka kapag may make-up," nakangiting sabi nito. "Sigurado ka? Okey lang ang itsura ko?" Nag-thumbs up ito at ngumiti na abot hanggang tenga. "Sige na gora na, pikutin mo na," biro nito. Napangiti na lang ako sa sinabi nito. "Go girl. Mamaya ha marami kang dapat ipaliwanag sa'min," pahabol na sabi nito. Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang lumabas ng gate. "Mommy!" masayang tawag sa'kin ni Dre. "H-Hi, baby, " sabay karga ko rito. "Hi ate," bati naman ko kay Danna nang makita kong kasama nila ito, pero nasa loob lang ito ng sasakyan at naka-headphone at hindi man lang ako pinansin. "Pasensiya ka na Dhea. Hinahanap ka kasi kaninang pagkagising niya. Kaya isinama ko na lang rito," paliwanag ni Red. "It's okay," nakangiti kong sagot rito. "Mommy, Mommy. Uuwi ka na ba ng bahay natin?" masayang tanong ni Dre. Nagkatinginan kami ni Red. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin. "Yes baby," sagot ni Red habang nakatingin sa'kin. "Kaya lang baby hindi pa ako nakapag-impake ng gamit ko," sabi ko naman. "Eh, di tutulungan ka po namin nina ate at Daddy. Di ba Daddy?" saad nito. Nagkatitigan na naman kami ulit at hindi alam kung ano ang sasabihin. "Of course anak," saad na lang ni Red. "Sabi ko na sa'yo Mommy. Halika ka na sa loob at ayusin na natin ang mga gamit mo," sabay hila sa'kin pabalik sa loob ng boardinghouse. "Saan ba ang kwarto mo rito mommy?" Tinaasan ako ng kilay ni Fil at sinipat ang mga nakasunod sa'kin. "Mommy, ha?! bulong nito sa'kin na parang nang-iintriga. "Ang dami mong hindi sinasabi sa'min, ha?" patuloy nito. "Halika at sasamahan kita little boy sa kwarto ng Mommy mo," maring sabi nito habang nakatingin sa'kin at may lihim na ngiti sa pisngi nito. "Talaga po?" masayang sabi ni Dre. "Oo halika ka," sumama naman ito sa kanya. Napailing na lang ako ng ulo na sumunod sa mga ito. Naabutan kong ipinapasok na nito sa maleta ang lahat ng gamit ko. "Ako na baby," sabi ko rito. Tinanggal ko ang ibang gamit at binalik sa kabinet. Pumili lang ako ng konting damit dahil hindi naman ako magtatagal sa bahay ni Red "Bakit ibinabalik mo Mommy?" malungkot na sabi nito. "Aalis ka ba ulit at iiwan mo naman kami?" naiiyak ng sabi nito. "Hindi baby, hindi ako aalis ulit." "Eh, bakit konti lang dala mo?" "Maraming damit sa bahay si Mommy di ba?" sabat ni Red. Nakasunod din pala ito kaagad. "What kind of place is this?" maarteng saad ni Danna. "How can you live such a place like this?" patuloy pa nito. "Bakit maganda at malinis naman ha!" mataray ring sabat ni Fil. "Fil!" saway ni Dhea sa kaibigan. "Halika ka nga rito," hinablot ako ng kaibigan palabas ng kwarto ko. He cross his arm habang nagtataasan ang kilay ng mga ito. "Ano bang nangyayari rito bakla? Sino ba sila?" curious na tanong nito. "Sila ang sinasabi ko sa inyo. Ang nag-alok sa'kin na magpanggap na ina ng mga batang 'yan." "What? Ang akala ko ba hinding-hindi ka papayag sa alok nito?" naguguluhang tanong nito. "Naaawa kasi ako sa mga bata." "May God, Dhea alam mo ba kung ano ang pinagsasasabi mo? Pinag-isipan mo ba itong mabuti?" "Wala na kasi akong nagawa naipit na ako, eh. Kaya tinanggap ko na lang." "Ewan ko sa'yong bakla ka. Nagpadalos-dalos ka na naman. Bakit ba ang dali mong maawa sa iba, ha? Kaloka ka." "Wag ka nang magalit freny. Sige na." paglalambing ko rito. "Matagal pa ba tayo?" mataray na sabi ni Danna. "Malapit na ate," sabi ko naman rito." "Isa pa 'yan ang arte-arte nakaka-inis." "Wag mo ng patulan bata yan, eh. Sige na wag ka nang magalit ha. Ililibre ko kayo sa susunod ni Mia." "Promise?" nagtatampo pa ring sabi nito. "Promise. Oh sige na aalis na kami. Baka nagagalit na ang isang masungit sa loob," sabi niya rito. Si Red ang tinutukoy ko rito, pero hindi ko sinabi. Wala namang mapagsidlan ang saya nang nararamdaman ni Dre dahil nakasama na niya ako. Samantalang si Danna naman ay parang hindi ako tanggap at hindi ako pinapansin. Hindi talaga ako iniiwan ni Dre, samantalang si Danna pumasok na ng kwarto nito at hindi na lumabas pa. Ramdam ko hindi niya ako gusto. Pero hinayaan ko na lang ito. "Daddy, bakit dito matutulog si Mommy at hindi sa kwarto mo?" tanong nito nang pumasok sila sa kwartong gagamitin niya. Napalunok ako sa sinabi nito. Nagtama naman ang aming mga mata at nangungusap kung ano ang isasagot sa tanong nito. "Baby, okay lang ako dito," sagot niya. Dahil mukhang walang balak na sagutin ni Red ang tanong ng anak. "Bakit po? Hindi ba kayo bati ng Daddy?" "Basta baby, mahirap ipaliwanag eh," tanging nasabi ko na lang, dahil wala akong maisagot dito. Ngumuso ito at kumunot ang noo. "Galit ka? Wag ka nang magalit. Gusto mo tulungan mo ako, maghahanda tayo ng hapunan?" "Sige po. Sige po Mommy tutulong ako," excited na sabi nito. Iniwan naming hindi man lang ako tinitingnan kay Red dahil umiinit ang pisngi ko, lalo na kapag nakikita ito. Pinagluto ko ang mag-aama hapunan. Ako na rin ang nagpakain, nagpaligo at nagpatulog kay Dre. Binasahan ko pa ito ng bedtime story bago nakatulog. Hindi ko ito iniwan hangga't hindi pa ito tulog. Pagkatapos pinuntahan ko ang kwarto ni Danna. Cheneck ko kung tulog na ito. "Pwede ba tayong mag-usap?" dinig kong sabi ni Red. Papasok na sana ako sa kwartong pinagamit ni Red dahil napagod na akp sa pag-aasikaso kay Dre kanina. "Sa library tayo," utos nito. "Hindi pa nga ako pumapayag, pinapasunod na niya ako. Sinapian na naman kaya ito nang masamang espirito mukhang nagsusuplado na naman, eh?" bulong ko sa sarili. Naiinis naman akong sumunod rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD