I sighed and took a deep breath. Finally, I had decided to went back to the real world and face my fears. Walang mangyayari sa'kin as buhay ko kung magmo-mokmok lang ako.
It was long and satisfying week. At last nakaget-over na ako nakapagpahinga pa. Ibinaon ko na lang sa bangongot ang mga nangyari. I need to stand up again and move forward.
"Babalik ka na ba talaga apo?" malungkot na sabi ng Lola Maming.
"Kailangan po, Lola eh. Ayoko naman po kasing tumunganga lang dito maghapon nang walang ginagawa at umasa na lang sa inyo."
"Ano ka ba naman apo obligasyon ko pa rin naman 'yun sa'yo at ang perang pinapadala mo buwan-buwan iniipon ko 'yun baka kailanganin mo balang araw. Kahit papano kumikita pa rin naman ako sa mga gulay na binibinta ko araw-araw."
"Lola naman eh! Wag na po kayong magpagod magtinda ng gulay sa palengke. Para sa'yo ang perang pinapadala ko panggastos niyo. Kaya gamitin niyo po."
"Oh, siya sige na. Umalis ka na at baka gabihin ka pang makarating ng Maynila," pagputol ng matanda sa pag-uusap nila. 'Yun kasi ang laging ginagawa nito kapag napag-uupasan ang pagtatrabaho nito.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Sige na nga po," yinakap at hinalikan ko ito sa noo. "Aalis na po ako. Tatawagan na lang po kita pagdating ko ng Maynila."
"Mag-iingat ka apo," pahabol nitong sabi.
Kinawayan ko ito at sumakay na ng tricycle papuntang terminal ng mga bus.
Mahigit isang oras din ang biyanahi ko pabalik ng Maynila.
------------------------------------------
"Ano ang plano mo ngayon bakla?" tanong ni Fil habang nagkakape sila bago pasok ang mga ito.
"Eh, ano pa, ang maghahanap ng trabaho. Kung hindi lang dahil sa lalaking 'yun hindi sana ako aalis sa trabaho ko. Nakainis talaga."
"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang alok ng Red na'yon." pangungumbinsing sabi ni Fil.
"Oo nga naman freny, wala naman kasing masama sa offer niya, makakatulong ka pa sa mga anak niya," dugtong naman ni Mia habang nagtitimpla rin ito ng kape at kumuha ng cereals. 'Yun lang kasi ang madalas namingbagahan, dahil madalas kaming nagmamadaling pumasok sa trabaho.
"Oo nga, hindi naman masama ang offer niya. Masama lang ang ugali niya, kung kina-usap niya sana ako nang maayos siguro pumayag pa ako. Pero hindi eh, minaliit niya ang pagkatao ko," inis n inis kong saad.
Nalungkot ang mga mukha nito.
"Mamimiss ka namin sa trabaho," yakap sa'kin ni Fil, nakiyakap na rin si Mia.
"Tumigil nga kayo, hindi ako sanay sa kadramahan niyo. At isa pa lilipat lang ako ng ibang trabaho. Magkikita pa rin naman tayo dito sa boardinghouse."
"Kahit na, wala na kaming tutuksuhin sa trabaho," naglalambing na sabi ni Fil habang yakap pa rin ako.
"Gaga, umalis na nga kayo baka malate pa kayo siguradong masasabon na naman kayo ng team leader niyo."
"Hahaha. Halika ka na nga Mia," aya ni Fil.
"Bye." paalam ng dalawa.
"Bye ingat."
"Kita na lang tayo mamaya. Sa labas tayo kumain," pahabol na sabi ni Mia.
"Okey text na lang," masayang sagot ko.
Pagkaalis ng dalawa agad akong naligo at naghanda na para sa paghahanap ko ng bagong trabaho. Nag-print muna ako ng aking resume bago umalis.
Halos lahat pinasahan ko na at ang sinasabi lang ng mga ito ay tatawagan na lang ako. Pero hindi akobnawalan ng pag-asa. Halos araw-araw akong nagpapasa ng resume, pero wala pa rin kahit isang tumatawag sa'kin. Nawawalan na ako ng gana. I was very dissappointed kasi nang unang mag-apply ako ng trabaho tanggap kaagad ako dahil sa taas ng mga grades ko at sa mg academics performance ko.
Nagpasya na lang akong tumambay muna ng mall. Para aliwin ang sarili, maghapon na kasi akog naghanap ng trabaho, pero puro tatawagan na lang.
Napasimangot ako nang maalala ang sinabi ni Red nang huling pagkikita namin.
"Tinutoo kaya ng lalaking 'yun ang banta niya?" napabuntonghininga ako sa naisip.
"Hello, baby bakit ka umiiyak? Nawawala ka ba?" tanong ko sa batang biglang yumakap sa'kin.
Nagulat ako nang makilala kung sino ito.
"Mommy," umiiyak na sabi nito pagkatapos yinakap ako ulit nito. "Mommy."
"You're here! I'm sorry miss. Come anak let's go," humuhingal na sabi nito.
Nagulat kami pareho nang magtama ang aming mga mata pero wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Pareho lang kumunot ang noo namin.
"I said, let's go!" galit ng sabi nito.
"No! I want mommy," sabi nito habang mahigpit na nakayakap pa rin sa'kin.
"Don't get me mad Dre!" galit na saad nito.
"I said no. I want mommy. I want mommy!" sigaw nito.
"I said, let's go. She is not your mom," hablot nito sa bata. Pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa binti ko.
Kinunutan ko ito ng noo.
"Ganyan mo ba tratuhin ang anak mo?"
"It's my own business, how to deal with my own child. Kaya wag mong questionen, how I discipline him. Let's go!" galit ng sabi nito.
Pero hindi pa rin ito bumibitiw sa'kin at mas lalo lang itong umiyak.
"Bitiwan mo siya!" galit kong saway rito.
"How dare–" naputol ang sasabihin niya nang mapansing pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Pinunasan ko ang mga luha nito.
"Tama na, please wag ka nang umiyak. Gusto mo ba ng ice cream ibibili kita."
Pinahid nito ang sariling luha pagkatapos tumango sa'kin.
"Ang bait naman pala ng baby na 'to."
Tumingin ako kay Red at tinarayan ko ito.
"Halika ibibili kita," aya ko sa bata.
"Carry me, Mommy please," naglalambing na sabi nito.
Nagkatitigan kami sa mata ni Red. Parang natunaw ako sa mga titig nito kaya nag-iwas aki nang tingin rito. Pagkatapos napatingin ako sa batang babaeng kasunod rito. Tumaas ang kilay nito sa'kin. Ngiti naman ang ginanti ko rito.
"Sure baby," Kinarga ko naman ito. "What flavor do you want?" tanong ko rito.
"Chocolate!" excited na sagot nito.
"Pareho pala tayo ng favorite."
"Talaga po?" masaya pa rin nitong tanong.
"Opo!" matipid kong sagot rito.
Yumakap naman ito nang mahigpit sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.
"Yehey!" sigaw ni Dre nang iabot kk sa kanya ang two scoops ng chocolate ice cream.
"Ikaw ate what flavor do you want?" tanong ko sa anak na babae ni Red.
Sumimangot lang ito at hindi ko sinagot.
Nag-order na lang ako ng 2 scoop of mango flavor para rito. At 2 scoop of mango flavor para rin kay Red at sa kasama nito katulong.
Tinitigan muna ito ni Danna ang anak na babae ni Red.
"Masarap 'yan it's one of my favorite too," sabi ko rito.
Tumingin ito sa'kin pagkatapos tinanggap ito. At iniabot ko rin kay Red ang ice cream nito.
"Thank you," sambit nito.
Nagulat ko sa sinabi nito.
"Marunong naman pa lang magpasalamat ang lalaking 'to?" bulong ng isip ko.
"Your welcome," at isang tipid na ngiti ang ibinigay ko rito.
Nilibot namin ang buong mall sa pamamasyal. Kasama kong naglalaro si Dre at halos hindi ako nito bitiwan. Habang si Red ay nakamasid lang sa amin at si Danna naman ay busy sa cellphone niya. Namili rin sila ng mga laruan nito at syempre si Red ang nagbayad. Doon na rin kami naghapunan sa isang restaurant.
"Ako na ang magkakarga sa kanya," saka kinuha si Dre sa'kin, na mahimbing nang natutulog dahil sa pagod.
Nagising naman ang bata.
"Mommy," umiiyak na sabi nito.
"I'm here baby."
"Si Daddy na ang magkakarga sa'yo, pagod na kasi ang mommy," sabi naman ni Red.
"Mommy, come home with us."
Nagkatinginan na naman kami.
"Baby she-"
"Yes baby," putol ko sa sasabihin ni Red. Ngumiti ako rito at ngumiti rin ito sa'kin.
Ngumiti rin si Dre at yumakap nang mahigpit sa daddy niya at bumalik sa pagtulog.
"Are you sure?" tanong sa'kin ni Red.
Ngumiti lang ako at tumango bilang sagot sa tanong nito.
Sinamahan ko ito hanggang sa kwarto ng bata. Nang mahimbing na ang pagkakatulog nito saka ako lumabas ng kwarto. Tinitigan ko muna ito at pagkatapos inayos ang kumot nito. At tuluyan nang lumabas.
"Thank you," saad ni Red. Nasa labas lang pala ito ng kwarto ni Dre.
"Wala 'yun," nakangiti kong sabi.
"Ihahatid na kita," aya nito.
"Wag na magtataxi na lang ako."
"No, I insist."
"Ikaw bahala," tipid kong sagot.
Wala naman kaming imikan habang nasa biyahe. Parang may nagrarambolan naman sa loob ng dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.
"Ahm." napaighim ito bago nagsalita kaya napatingin akk rito.
"Pasensiya ka na sa nangyari kanina."
"Wala yun."
"Promise hindi na 'yun mangyayari ulit. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo para hindi na siya umasa pa."
"Tinatanggap ko na ang alok mo," ang sabi niya.
Nagulat ito sa sinabi ko at napatitig sa'kin ng seryoso.
"Naaawa kasi ako kay Dre, masyado pa kasi siyang bata para maintindihan ang lahat ng 'to." Paliwanag ko. "Kaya payag na ako sa alok mo."
"Thank you."
"Wala 'yun."
"Ipapasundo kita bukas para mapag-usapan natin 'to nang maayos."
Tumango ako at mabilis na bumaba ng sasakyan nito nang pumarada na ito sa harap ng boardinghouse ko.
"Dhea," tawag ulit nito sa'kin at liningon ito.
Nakabukas na ang bintana ng sasakyan nito.
"Thank you," sabi nito.
Ngumiti ako at tumango pagkatapos tumalikod na. Kinilig naman ako sa ginawa nito.