Chapter 4:

1495 Words
"Anong nangyari girl?" excited na tanong ng kaibigan kong si Mia at Fil. "Huhuhu." isang malakas na iyak ang binitiwan ko at padabog na naupo at isinubsob ang mukha ko sa mesa nang makarating sa sariling kong cubicle. Pinagtinginan ako ng iba kong mga katrabaho. "Shhhh, tama na. Tama na 'yan. Ano ba kasi nangyari sa'yo bakla? At nag-iiyak ka ng ganyan?" nag-aalalang tanong ni Fil sa'kin habang hinihimas ang likod ko. "Tama na Freny. Sige na sorry na hindi ka na namin aasarin ulit. Pangako 'yan. Tumahan ka na please,” sabi naman ni Mia. Bumuntong hininga ako at humarap sa kanila. "Hindi naman kayo ang may kasalan eh,” at isinunsob kobulit ang mukha, habang walang tigil sa kaiiyak. "Eh, bakit ka nga umiiyak?" naiiyak na tanong na rin ni Fil. "Wala na akong trabaho. huhuhu." Malakas kong hagolgol pagkatapos bitawan ang katagang wala na akonh trabaho. Habang walang tigil pa rin ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko. "Ha! Bakit ano'ng nangyari? Ano raw kasalanan mo? Kaya ka ba pinatawag ni sir Clyde?" gulat namang tanong ulit ni Fil. "Huhuhu." isang malakas na iyak lang ang ginawa ko sabay singa sa isang tissue dahil puno na ng sipon ang ilong ko sa kaiiyak. "Baka linandi si sir Clyde kaya sinisante.hehehe" sabat ng isa naming ka trabahong babae. Na naiinis kapag nakikitang magkasama kaming tatlo. Nakitawa na rin pati ang ibang empleyado sa sinabi nito. "Tse! Tumigil nga kayo. Kung kayo kaya ang mawalan ng trabaho pagtatawanan ko rin kayo. Mga pakialamera!" mataray na sabi ni Fil. "Tahan na, freny. Wag kang makinig sa kanila Freny." saad naman ni Mia. "Dhea!" dinig naminh tawag sa'kin. Pinahid ki muna ang mga luha sa mata ko at kinalma ang sarili at saka humarap sa tumawag sa'kin. "Dhea please think it over," sabi ni Clyde. Pinagtinginan kami lahat ng mga empleyado at ang iba naman nagbubulungan pa. "Nakapag-decide na po talaga ako. Pasensiya na po talaga sir Clyde." sabay tayo at dampot sa bag. "Babalikan ko na lang po ang mga gamit ko," saka mabilis kong linisan ang lugar na mabigat ang dibdib. Kinalma ko ang sarili at nagdesisyong umuwi na lang muna ng Laguna para makapag-isip. At isa pa matagal-tagal na rin akong hindi nakakadalaw ky Lola Maming ko. Ayaw naman nitong sumama sa'kin ng Maynila. Hindi kasi nito maiwan ang bahay namin sa probinsiya. Naroon kasi lahat ng alala ng lolo. Lagi ko itong pinipilit na sumama na sa'kin ng Maynila para sana malapit lang ito sa'kin at maaalagaan ko pa siya. Kaya lang hindi talaga ito mapilit. Nakita ko itong nagwawalis sa may bakuran ng bahay. Dalawamg palapag ito nagawa pa sa makalumang panahon. Kung titingnan para itong antique house. Napabuntonghininga muna ako bago lumapit rito. "Hello po Lola," masaya kong tawag rito. Hindi ko kasi gustong iparamdam rito na malungkot akk, baka mag-alala lang ito sa akin. "Iha!" gulat at masayang sabi nito. "Mabuti at napadalaw ka?" sabay yakap sa'kin. "Oo naman po, miss na miss na po kasi kayo." "Oh, siya sige pumanhik na muna tayo sa loob at ng makapag-meryenda ka," aya nito. "Wag na po lola magpapahinga na lang po muna ako napagod kasi ako sa biyahe.At saka mananatili ako rito ng ilang araw magkakasama tayo nang matagal-tagal." "Ha! Biglaan naman wala ka na bang trabaho?" nagtataka nitong tanong. Napaubo siya sa sinabi nito. "Lola naman. Bakit po hindi ba ako pwedeng magbakasyon kahit sandali lang, para naman makasama ko kayo. Miss na miss ko na kasi kayo kaya humingi ako ng kunting bakasyon." pagsisinungaling ko. "Hindi naman iha, nagtataka lang kasi ako. Ang alam ko kasi kahit may sakit ka pumapasok ka." "Eh, sa na miss kasi talaga kita eh." lambing ko sa lola habang yakap-yakap ito. "Oh siya,, mabuti naman kung ganun. Tatawagin na lang kita kapag handa na ang hapunan natin." "Salamat po Lola," sabay halik sa noo nito at pumasok sa loob na ng kwarto ko. Inihiga ko ang katawang kanina pa pagod na pagod at ang isip kong kanina pa tumatakbo sa kung saan. Saka ipinikit ang mga mata. Mabilis naman akong nakatulog. "Mommy, please don't leave me again. Mommy!" umiiyak na sigaw ng isang bata. Napabangon ako at kinapa ang dibdib nang makaramdam ng bigat rito. May mga luha ring pumatak sa mga mata ko. Napanaginipan ko kasi ang huling takbo nang pagkikita namin ni Dre ang batang tinawag akong Mommy. "Oh, anak mabuti at gising ka na. Bumangon ka na diyan ay maghapunan na tayo," masayang sabi ng matanda nang madatnan ako nitong gising na. Pa-simple kong pinunasan ang mga luha para hindi mahalata ng matanda. "Susunod na po lola." "Hala sige dalian mo na riyan habang mainit pa ang pagkain." "Opo," mabilis kong sagot at saka pumasok muna ako g banyo. At naligo muna bago bumababa. "Na miss ko talaga ang lutong bahay mo Lola, laging instant lang kasi nakakain ko." "Dalasan mo kasi ang dalaw rito apo para naman makakain ka ng mga preskong gulay." "Pasensiya na po kung matagal ako makadalaw Lola. Busy talaga sa trabaho. Ayaw mo namang sumama sa'kin doon." "Apo naman napag-usapan na natin 'yan diba? Alam mo namang ayokong malayo sa lugar na'to dahil nandito lahat ng alala ng lolo mo." "Nag-iisa ka lang kasi rito, nag-aalala ako sa'yo." "Hindi naman ako nag-iisa lagi naman akong dinadalaw ng anak ng Tita Ynez mong si Karen. Siya ang kasama ko ritong matulog kapag gabi. At isa pa ayoko sa Maynila masyadong maingay." Sila ng lolo at lola ang nakagisnan kong mga magulang dahil maaga akonh iniwan ng mga magulang ko. Simula ng mamatay ang lolo noong nasa 12 taong gulang pa lang ako. Ang lola ko na ang tumayong ama't ina ko. "Sige na nga. Wag kang mag-alala lola susulitin natin ang mga araw habang nandito ako," masaya niyang sabi rito. "Oh, siya sige na. Kumain ka pa ng kumain ng magkalaman naman yang katawan mo. Para ka ng tingting sa paningin ko." "Lola naman." nakasimangot kong saad. Natawa lang ito. "Oh, siya biro lang." Pagkatapos maghapunan ako na rin ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Hindi ako makatulog kaya binuksan ko na lang ang cellphone at cheneck ang face account ko. Tadtad ng mensahe mula sa kaibigan kong si Fil at Mia ang messenger ko. Nang i-check ang cell phone ko ang daming miss call at text ang mga ito. Nang tumunog bigla ang phone ko . Isang video call ito mula sa mga kaibigan ko. Sinagot ko ang tawag nito at suot ng headset para hindi marinig ng lola niya ang mga sasabihin ng mga kaibigan ko dahil nasa kabilang kwarto lang ito. "Bakla ka, asan ka ba? Bakit hindi ka namin na datnan dito sa boardinghouse? Alam mo bang alalang-alala kami sa'yo," sabi ni Fil. "Oo ngang babae ka hindi mo man lang sinasagot ang mga text at tawag namin," dugtong naman ni Mia. "Nag-aalala ba talaga kayo sa'kin o baka wala lang kayong mapagtripan?" biro ko sa mga ito. "Pwede rin," dugtong naman ni Fil. "Hahahaha." sabay-sabay naming tawanan. "Asan ka ba talaga?" seryosong tanong naman ni Mia. "Nandito ako ng Laguna, magbabakasyon muna ako kahit isang linggo lang." "Kumusta ka naman?" malungkot na tanong ni Fil. "Wag kayong mag-alala, lilipas rin ito." "Ano ba talaga ang nangyari at bigla kang natanggal sa trabaho," ani ni Fil. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Hindi naman ako natanggal nagkusa lang akong nag-resign. Technically matatangal rin naman ako kaya inunahan ko na." "Ano bang ibig mong sabihin, nagugulahan na kami," naguguluhang sabi ni Fil. Wala na akong nagawa kaya i-kwenento ko naman ang lahat sa mga ito dahil alam kong hindi ako titigilan ng mga kaibigan. Simula nang makilala ko si Red sa bar, sa mga nangyari sa kanila at ang alok nitong magpanggap na ina ng anak nito. Lahat ng iyon sinabi ko sa mga ito. "What?" gulat na gulat at sabay na sabi ni Fil at Mia. "Isinuko mo ang Puerta Prinsesa mo? Ramdam kong namula ang pisngi ko dahil parang nag-init ito. "Masarap ba ang afang na 'yun?" "Tumigil ka nga diyan Filipi," saway ni Mia. Pinagpapantasyahan mo pa ang lalaking 'yun nakikita mo na ngang namomroblema na ang kaibigan natin." "Ay ateng naman. Filipi talaga?" nakasimangot na saad ni Fil. Natawa ako sa kaibigang si Fil sa reaksiyon nito kapag tinatawag ang buo niyang pangalan. "Eh, masarap naman ba talaga?" saad ni Mia. "Hahaha," malakas na tawa ng mga ito pati na rin siya natatawa sa mga ito. Hindi kasi maiwasang walang halong kalokohan ang mga ito, kahit seryoso ang pinag-uusapan. "Pwera biro. Ano ba'ng plano mo ngayon?" seryosong sabi ni Mia. "Dito muna ako, saka ko na iisipin ang ibang gagawin ko." "Sige kung yan ang disesyon mo, mag-iingat ka diyan," wika ni Mia. "Wag kang mahihiyang tawagan kami bakla kung may problema, ha!" habol ni Fil. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Kaya mo yan Dhea Santos. Ikaw pa." saad ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD