"Sh*t! Ano'ng oras na?" napatingin ako sa orasan na nasa side table at nang tingnan ko ang tabi ko wala na rin sa tabi ko si Red. Tanging ang lukot na higaan na lang ang naiwan roon, kaya pabalikwas akong tumabakbo papunta ng banyo. Agad akong naligo at pagkatapos bumaba ng kusina. Naroon na ang mga bata at si Red at nag-aagahan na ang mga ito. "Good morning Mommy," bati ni Dre. Good morning Ate," bati ko kay Danna nang madaanan ako malapit rito, pero dedma lang ako nito. "Hay naku! Ang batang 'to manang-mana talaga sa ama niya na noknokan ng sungit," bulong ng isip ko Napangiti na lang ako sa naisip. Nang makalagpas kay Danna linapitan ko si Dre at hinalikan ang noo nito. "Good morning baby," bati ko rito. "How's your sleep?" agad akong tanong rito. "Mabuti na man po Mommy," mal

