Namhinig ang tuhod ko sa takot pakakita sa oras. "Lagot na pasado alas-nueve na pala," tarantang saad ko nang makita ang oras sa relong nasa bandang kanan ng kamay ko. Naipit kasi ako sa sobrang traffic dahil rush hour, kaya natagalan akong nakarating ng bahay. Halos magkadapa-dapa pa ako dahil sa pagmamadali kong makalabas ng taxi at makapasok sa loob ng bahay. Dahil siguradong sasabunin na naman ako ng galit nito. Dumaan muna ako sa kwarto ng mga bata bago dumeritso sa kwarto niya. Gising pa si Danna at nagbabasa pa ng libro nito ng silipin ko. "Hi, Ate," bati ko rito. Tiningnan lang ako nito at bumalik na sa ginagawa niya. "Magpahinga ka na pagkatapos mong magbasa at may pasok ka pa bukas," saad ko na lang kahit hindi ako nito pinansin. Napabuntonghininga na lang ako bago isinara

