"Hindi mo naman ako kailangan ihatid magta-taxi na lang ako," sabi ko rito pagkatapos naming ihatid ang mga bata sa bahay. "No, I insist. Baka hindi sa boarding house ang uwi mo at makikipagkita ka lang pala sa boyfriend mo," seryosong sabi nito. "Boyfriend ka diyan. Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend," bulong ng utak ko. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala," inis kong sabi rito. Lihim namang napangiti si Red. Alam niya kasing wala itong boyfriend at hindi pa ito nagkaka-boyfriend dahil hindi ito marunong humalik nang unang gabi na may nangyari sa kanila at siya rin ang nauna rito. Nainis man sa sinabi nito hindi na lang ako nakipagtalo pa. Baka magbago pa ang isip nito at hindi ako payagang makauwi ng boarding house. Talagang malalagot siya ako sa Lola ko. "You need to be home at 8

