"Dad si Dre," hinihingal at natatarantang sabi ni Danna nang pumasok ito sa kwarto. Mahimbing pa rin ang tulog nito at wala na rin ako sa tabi nito. "What happened?" gulat na tanong ni Red. "Si Dre dad, si Dre," sabay turo sa labas at nagmamdaling tumakbo ito palabas. Sa gulat at hindi man alam ang nangyari kaagad nitong dinampot ang short na itinapon niya sa sahig nang nakaraang gabi at sumunod patakbo palabas. "Happy birthday Daddy. Happy birthday." Nasapo nitl ang ulo dahil na sorpresa siya sa ginawa ng mga ito. Na ang akala niya na kung ano na ang masamang nangyari sa anak. Kaya nagmamadali siyang lumabas na halos madapa pa siya sa sobrang pagmamadali. "Happy birthday, happy birthday happy birthday Daddy. Birthday niya pala ngayon nakalimutan na niya dahil laging busy sa trabaho

