Chapter 1 - ELI

2345 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. names, characters, places, business or events are product of author’s imagination. Any resemblance to actual persons living or dead, is purely coincidental. WARNING: MATURED CONTENT Content may not be suitable for readers under the age of 18. *** 8 years later... [CLUBBING MUSIC] Nagsasaya ang mga customer sa loob ng isang public club kasama na amg kinatatakutang grupo ng lugar. “Eli! Eli! Eli!” Napangisi naman ang lalaki at nilagok ang isang bote na siyang kinasigaw ng mga barkada niya at mas lalong nag-ingay sa loob ng club. Pagkatapos niyang inumin ang isang bote, napasigaw siya at hinalikan ang nobya niya na nasa tabi niya kaya mas lalo rin napasigaw ang mga kasama niya. Napangisi na lang ang lalaki at kumuha muli ng isang bote ng beer at nagsindi muli ng sigarilyo. Walang nais lumapit o makisali sa grupo nila dahil wala silang awa kapag kinanti sila. Naging masaya ang gabi nila ngunit nakarinig sila ng sirena ng pulis. “f**k!” sigaw ng isa sa mga kaibigan ng lalaki at natigil din ang music at nagtakbuhan ang mga tao patungo sa likuran ng club para doon lumabas at hindi mahuli ng pulis. Nagtakbuhan na rin ang grupo nila palabas habang hila hila niya ang nobya niya. Napasigaw ang mga kasama niya nang dumaan sa gilid nila ang mobil ng mga pulis at pinagtataas nila ang gitnang daliri nila habang patuloy na tumatakbo patungo sa mga motor nila at nagsisakayan sila para pagtripan ang mga pulis. Napasigaw naman silang lahat habang tinatakasan nila ang mga pulis... “CARRIE, WHAT HAPPENED?” Nakahalumbaba lang sa lamesa si Carrie habang tinititigan ang baso niya. Nandito sila sa exclusive bar ng kan’yang ina na dinadagsa rin ng mga mayayamang tao. “Huy!” Inis niyang tinabig ang kamay ng pinsan niyang si Lexie (Lux’s daughter) at malakas na bumuntong hininga. “It’s been 8 years but he’s still missing! f**k! Where is my f*****g brother?” inis na tanong niya at napasandal na lang siya dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya nahahanap ang kuya niya. Napatigil naman sila at nilingon si Carrie na nakasandal sa sofa at nakatingala sa kisame. “Yeah, I almost forgot him. He’s our eldest.” sambit ni Lexie at napaiwas ng tingin dahil hindi naman niya masisisi ang sarili dahil talagang halos nakalimutan na nila si Agustin dahil bigla na lang itong naglaho at hindi na muli pang bumalik sa manor. “I attempted to locate him, but unfortunately, I was unable to find him. Darn it!” sambit naman ni Lorenzo Suarez (Claire’s first son). Napailing na lang sila dahil ilang beses na rin nilang hinanap maging sa social media pero hindi pa rin nila mahanap si Agustin. Sinubukan din nilang hanapin sa ibang bansa na baka sakaling bumalik ito pero hindi bumalik si Agustin sa france or sa spain. “He is smarter than us. Hindi magpapakita ang taong ayaw magpakita.” walang emosyon na sambit naman ni Jacques Knight. (Carter and Jaguar’s son) at tinaas niya ang baso saka nilagok ito. Tumango naman si Rio habang nakapatong ang paa sa lamesa katulad din siya ng kan’yang ama amahan na si Rios Knight. He’s adopted son of Rios and Dane. “He’s right. Mukhang ayaw ng bumalik ni Kuya Agustin.” sambit niya. Natahimik naman sila at napasulyap sila kay Carrie na tahimik lang pero alam nila na mas ito ang nag-aalala para sa kakambal nito. “Damn you, brother! When I see you, I will kill you!” inis na sigaw ni Carrie at sinipa niya ang lamesa at inis siyang lumabas ng bar. Nagkatingin silang lahat at napangisi na lang dahil parehas nakakatakot ang kambal. “She’s scary, isn’t she?” “WOOO!! GO ELI!” sigaw ng mga babae habang nakikipag boxing si Eli sa kaibigan niya sa loob ng ring. Kumindat lang si Eli sa mga babae na mas lalo namang napatili dahil sa ginawa niya. Napailing na lang ang mga kaibigan niya sa kan’ya. After ng boxing, marami ang pumuri kay Eli dahil gamay na gamay nito ang bawat galaw ng kalaban na para bang bihasa ito sa pakikipag boxing. “Boxingero ka ba noon?” Napataas ang kilay niya pero bumulalas siya ng tawa dahil sa tanong ng mga kaibigan niya. “No, natuto lang ako.” sambit niya at nagsindi muli siya ng sigarilyo at kumuha ng beer. Napatango naman ang mga kasama niya pero nahahalata ni Eli na naghihinala na ang mga ito sa mga kilos niya. Lalo na’t nahihirapan pa rin siyang magtagalog. Ngumisi lang siya at nilapitan na niya ang nobya niya at naghalikan sila sa harap ng mga kaibigan niya. Kumapit naman ang babae sa batok ni Eli at muli silang naghalikan pero natigil lang sila nang dumating ang isang ka miyembro nila. Tumayo na si Eli at nilapitan niya ang isang lalaking humahangos papalapit sa kan’ya. “Did he pay?” tanong niya. Kinakabahan namang inabot ng lalaki ang isang alkansya kay Eli. Kumunot ang noo ni Eli. “What the f**k is this?” tanong ni Eli. Yumuko naman ang lalaki habang pinagpapawisan ng malamig. “Y-yan daw ang bayad niya boss...” Mas lalong kumunot ang noo ni Eli at tinignan niya ang isa niyang kaibigan. “Where is my gun? They think they can fool me.” nakangising sambit niya at kinuha niya ang isang alkansya. “We will attack them.” Napasigaw naman ang mga kasama niya at kan’ya kanya na silang kumuha ng kanilang armas laban sa taong may utang na malaki sa kanila. Nakarating sila sa hideout, tinignan ni Eli ang iba niyang kasama at tinanguan bilang signal na gawin na nila ang trabaho nila. Tumango naman ang mga lalaki at kinuha na nila ang mga galon na may lamang gas at sinaboy nila sa buong hideout at hihintayin na lang nila ang hudyat ni Eli para sunugin ang buong hideout. Habang sila Eli, sinipa ang harang sa hideout at pumasok sila sa loob na tila nabigla ang mga tao na nasa loob ng hideout. Nagsigawan ang mga babae at nagtatakbuhan palabas ng hideout. Lumapit naman si Eli sa taong may utang sa kanila at hinampas niya ang ulo nito gamit ang alkansya na hawak niya. Sinugod ng mga kasama niya ang iba pang miyembro ng grupo at sinipa naman ni Eli ang matandang lalaki. “Give my money back.” walang emosyon na sambit ni Eli. Napatigil naman ang mga kasamahan niya at napalingon kay Eli dahil sa madilim na mukha nito. Gumapang naman ang matanda palayo kay Eli pero naabutan siya ni Eli at malakas na tinapakan ang likod niya na napasigaw siya. “Where is my money?” Hindi sumagot ang matanda kaya mas diniinan pa ni Eli ang paa niya sa likod ng matanda. “Where...is...my...money?” mariin na tanong ni Eli at sinipa niya ng malakas ang matanda. Hindi naman nakasagot ang matanda kaya sinipa ni Eli ang mukha nito. Hindi pa nakuntento si Eli kaya pinagsisisipa pa niya lalo ang mukha ng matanda hanggang sa magdugo na ang buong mukha nito. “Inuulit ko, where...is...my...money?” Imbis na sumagot ang matanda kung nasaan ang pera, humagulgol siya ng malakas at nagmamakaawa kay Eli na buhayin siya nito. Napangisi naman si Eli at lumundag siya saka siya nagpunta sa harap ng matanda at yumuko para silipin ang mukha nito at mas lo siyang ngumisi kaya hinawakan niya ang buhok nito saka siya tumayo at kinaladkad ang matanda. “Ang ayoko sa lahat, niloloko ako.” nakangising sambit ni Eli na parang natutuwa pa siyang paglaruan ang matanda. “I won’t end your life. I just want my money.” sambit niya at binitawan niya ang buhok ng matanda at sinipa niya muli ang mukha nito bago niya iniwan para hanapin ang iba pang kinita ng matanda mula sa client na inagaw nito sa kanila. Kinuha niya ang malaking bag at binuksan niya ito at tinaktak ang laman ng bag sa lamesa at nagsilabasan ang ilang gramo ng dr*ga. Kumuha siya ng isang gramo ng dr*ga at kinuha niya ang lighter niya saka niya sinindihan habang nakangisi saka niya nilaglag ito sa iba pang mga dr*ga na nakakalat sa lamesa hanggang sa kumalat na ang apoy kaya napasigaw na ang mga kasama niya sa saya. Kinuha naman ni Eli ang isa pang bag at binuksan niya para silipin kung ano ang laman pero napangisi siya nang makita ang libo libong pera sa bag. Kumuha siya ng isang pack ng pera at pinakita niya ito sa mga kasama niya na mas lalo namang natuwa dahil marami silang paghahatian. Binalik na ni Eli ang pera sa bag at sinarado na niya ito saka niya sinukbit sa balikat niya. “Let’s go, bago pa tayo abutan ng pulis.” sambit niya at nagsindi muli siya ng sigarilyo habang palabas ng gusali. Nagbigay na siya ng signal sa mga kasama niya na nasa labas kaya kinuha na ang mga lighter nila at ibinato nila ito sa gas para sumiklab ang apoy. Nagsigawan naman sila sa saya dahil sa mga nagawa nila. Napangisi naman si Eli bago siya nagtungo sa motor niya at sumakay na siya pati na ang nobya niya saka niya pinaharurot paalis mula sa gusali. Nakabalik sila sa kwarto ni Eli kung saan ang tambayan nila at pinaghatian ang pera na nakuha nila ng walang lamangan. “Salamat boss!” Tumango lang siya at nakipag apir sa mga kasama niya na umalis na matapos makatanggap ng pera. Napatingin naman siya sa pera at sa ibang dr*ga na meron sila sa lamesa at sumandal siya sa sofa. Kumandong naman ang nobya niya sa kan’ya at naghalikan sila na parang walang ibang tao sa kwarto. Napaubo naman ang kaibigan ni Eli at tumayo na habang nagkakamot sa ulo dahil baka ma distorbo pa niya ang dalawa. “Babalik na ako sa kwarto ko. Salamat dito dude.” sambit niya at tinaas niya ang perang hawak niya at ngumisi bago lumabas ng kwarto ni Eli. Napangisi lang si Eli at bumalik siya sa nobya para ituloy ang paghahalikan nila. Binuhat na ni Eli ang babae patungo sa kama niya at natawa ang babae nang ibagsak siya ni Eli sa kama. Ngumisi lang si Eli at hinubad na niya ang t-shirt niya saka niya hinalikan muli ang babae pero napatigil sila nang may kumatok. “Fuck.” bulong ni Eli at ginulo ang buhok niya dahil na distorbo nanaman sila. Inis na tumayo si Eli para pagbuksan kung sino man ang kumakatok pero napatigil siya nang makilala niya kung sino ang nang istorbo sa kanila. “Pwede ba tayong mag-usap?” Ilang segundong hindi gumalaw si Eli hanggang sa napabuntong hininga na lang siya at sinilip niya ang nobya niyang nakatingin lang sa kan’ya. Sumenyas siyang babalik siya at may kakausapin lang siya, tumango naman ang babae kaya lumabas na siya ng kwarto niya. Sinundan niya ang lalaki papasok sa maliit na opisina nito. “Eli, or should I address you as Agustin?” Napatigil si Eli nang marinig niya ang pangalan na ’yon at napaiwas siya ng tingin. “Agustin no longer exists.” mariin na sambit niya. Tumango naman ang matanda at ngumiti. “Pero hindi mo mababago na ikaw pa rin si Dominican Agustin Knight—Stone.” Napalunok naman si Eli na tila may nakabara sa lalamunan niya dahil sa pangalan niya. Marahas siyang bumuntong hininga at sinamaan niya ng tingin ang matanda. “What is the reason for your call to bring me here?” tanong niya. Umiling naman ang matanda at bumuntong hininga. “Tinapon mo ang buhay mo para lang sa ganitong gulo. You don’t belong in our world, Agustin. You are different from others, and you are different from those around you. Your world is different compared to this.” Natahimik naman si Eli at kumuyom ang kamao niya dahil alam niya ang mga bagay na ’yon pero wala na rin siyang balak bumalik pa sa pamilya niya. “Hindi mo man lang ba naaalala ang buhay mo noon? Nakalimutan mo na ba ng tuluyan kung sino ka ba talaga?” Nagdilim ang mukha ni Eli pero hindi pa rin siya nagsasalita. “How about your sisters? Especially your mother? Ano ang naramdaman nila nang mawala ka bigla sa buhay nila at hindi ka na bumalik?” napailing ang matanda at bumuntong hininga siya ulit. “Sigurado akong pinaghahanap ka na ng buong pamilya mo.” ngumiti ang matanda at tinignan niya si Eli na wala pa ring kibo. “Nagbago ka man ng pananamit o nang sarili o magtago ka man sa ibang pangalan, hindi mo pa rin mababago na isa kang Knight na ikaw ang panganay na anak ni Mi'lady Scarlett Knight.” Mas lalong natigilan si Eli nang marinig niya ang pangalan ng kan’yang ina. “Hindi habang buhay na mananatili ka lang dito...” Tahimik lang na bumalik si Eli sa kan’yang kwarto at napansin niyang tulog na ang nobya niya kaya napabuntong hininga siya at kinuha niya sa pinaka ilalim ng drawer niya ang kan’yang wallet kung saan naglalaman ng mga credit cards niya at picture ng pamilya niya. Kinuha niya ang picture at nakatitig lang siya rito. Hindi niya maipagkakaila na namimiss niya ang pamilya niya lalo na ang mga kapatid niya pero hindi na siya ang dating Agustin dahil siya na ngayon si Eli. Napatigil siya nang maramdaman niyang niyakap siya ng nobya niya kaya dali dali niyang binalik ang picture sa wallet niya at tumayo na siya para ibalik ang wallet sa pinaka ilalim ng drawer kung saan hindi ito makikita. Nilingon niya ang nobya niya at bumalik siya sa kama. “Sleep,” bulong niya sa nobya niya na tumango at nahiga muli sa kama. Napabuntong hininga na lang siya humiga na rin siya sa tabi ng nobya niya at nahiga naman sa braso niya ang nobya niya at niyakap siya nito. Nakatingala lang siya sa kisame habang iniisip ang mga sinabi sa kan’ya ng matandang tumulong sa kan’ya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD