Chapter 2

1249 Words
“HEY, MOM, it’s time for your medicine.” sambit ni Carrie kay Scarlett na bumangon naman at sumandal sa headboard ng kama. Ngumiti naman si Carrie at nilapag niya ang tray sa sidetable at kinuha ang gamot ni Scarlett. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Scarlett ang bunso niya. “You don’t have to do this, Carrie. I have nurses to do their job.” sambit ni Scarlett matapos niyang uminom ng gamot. Ngumiti lang si Carrie at inayos na niya ang kumot ni Scarlett. “Umuwi na ba ang kakambal mo?” Napatigil si Carrie sa tanong ni Scarlett pero pilit lang siyang ngumiti at umiling. “Not yet, mom. But don’t worry, I will find him, okay?” paniniguro niya sa kan’yang ina na nag-aalala sa kan’yang kapatid. “He’s still mad at me. He hasn’t visited in many years. Is he alright? Is he still eating properly?” nag-aalalang tanong ni Scarlett at napatakip siya sa mukha dahil hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi ang panganay niya. Nag panic naman si Carrie at niyakap niya si Scarlett para pagaanin ang loob nito dahil nalulungkot pa rin ang kan’yang ina dahil hindi pa rin umuuwi ang kakambal niya at namimiss naman nito ang kan’yang ama kahit ilang taon na ang lumipas. “Mom, I will find him, okay? I will find my twin brother.” tinignan niya ang kan’yang ina habang pinipigilan niya ang pag-iyak. “So, please, make sure to improve your health so that when Agustin comes home, he will be delighted to see you in good shape.” sambit niya at hinalikan niya sa noo si Scarlett na tumango naman at humiga na ulit sa kama. Napangiti si Carrie habang pinipigilan niya ang emosyon habang inaayos ang kumot ni Scarlett. Ilang minuto pa siyang nanatili sa kwarto ni Scarlett bago siya magdesisyon na iwan ng mag-isa ang kan’yang ina dahil nakatulog na ito. Napabuntong hininga siya at huling sulyap pa ang ginawa niya bago niya patayin ang ilaw at tuluyang lumabas ng kwarto ng kan’yang ina pero muntik siyang mapasigaw nang makita niya ang isa sa mga uncle niya na nasa harap niya. “Uncle Rios!” pabulong na sigaw niya dahil para talagang kabute ang isa sa mga uncle niya na bigla biglang nagpapakita sa kanila. “You’re back! Rio told us that you and Uncle Dane should stay in Madrid.” Ngumisi lang si Rios at inaya niya si Carrie na magpunta sa mini bar para makausap niya ang pamangkin niya. “Yeah, we’re back. But we will stay in my house. How are you doing?” Pilit na ngumiti siya sa uncle niya at lumapit siya sa collection ng alak at kumuha siya ng isang alak para sa kan’yang uncle. “I’m fine,” sambit ni Carrie at naglagay na rin siya ng alak para sa kan’ya at nag cheers sila ng uncle Rios niya. “I’m unable to find him, uncle. I don’t know where he is. I miss my brother.” Napatulala si Carrie sa baso at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya pero agad niya rin itong pinunasan. Napatingin naman si Rios kay Carrie at bumuntong hininga siya ng malakas. “May kasabihan nga na hindi magpapakita ang taong ayaw magpakita.” sambit ni Rios at ngumiti siya kay Carrie at hinawakan niya ang balikat nito dahil pasan pasan na ng pamangkin ang mga problema. “Your brother is different from you, and you know that, right?” Tumango si Carrie at pinunasan niya muli ang mga luha niya. “I know. I just miss him so much. Hindi na siya umuwi or hindi man lang siya tumawag para sabihin kung nasaan siya.” sambit niya habang napailing siya at napasuklay sa buhok niya. “He disappeared without anyone noticing.” Kumuyom ang kamao niya dahil iniisip niyang useless siya dahil hindi niya magawang mahanap ang kapatid niya. Napangisi naman si Rios at napailing dahil katulad si Agustin ng kan’yang ina pagdating sa taguan. “Your brother is a wiser. He will come home soon. Kaya ni Agustin ang sarili niya. He’s Knight and he will be our new chairman.” Napangiti naman si Carrie pero nawala ang ngiti niya dahil nagkakaroon sila ng problema sa organization. “Uncle, marami pa rin ang hindi naniniwala sa abilidad ng bagong henerasyon ngayon matapos ang henerasyon niyo. Marami pa rin ang nagtatangkang agawin ang trono mula kay Agustin.” sambit ni Carrie at nilingon niya si Rios na natahimik habang umiinom ng alak. “Kapag hindi pa bumalik si Agustin, may ihahaing silang bagong chairman ng organization. I have to find him as soon as possible dahil nanganganib ang position niya.” Napakagat sa labi si Carrie dahil miski siya ay nangangamba na baka tuluyan ng maagaw ang trono sa kapatid niya. “Maging ang position sa company, wala pa ring tumatayong chairman at president ng company after grandpa died and mom left the position for us. May mga board of directors na nagsasabing palitan na si Agustin at may bago silang iboboto para sa position.” dagdag pa niya. Napahawak naman sa baba si Rios habang nakakunot ang noo dahil mas mahirap nga ang henerasyon ng kanilang mga anak kesa sa henerasyon nila na puro ka dramahan sa buhay ang alam. “Habang wala pa si Agustin, maaaring ikaw muna ang tatayong chairman tutal ikaw naman ang bunsong anak ni Ven.” nakangising sambit ni Rios. Nanlaki naman ang mata ni Carrie at mariin siyang umiling dahil hindi niya gamay ang business at ang organization. “No way. Member ako ng organization pero ang maging chairman? As in N-O, NO! Hindi ako kasing talino ni Agustin!” gulat na sambit ni Carrie dahil nambibigla naman talaga ang uncle Rios niya. Bumulalas ng tawa si Rios habang napapailing dahil wala naman ang pwedeng pumalit kun’di si Carrie lang dahil hindi pa naman bumabalik si Agustin. “Mag-aacting chairman ka lang sa organization para safe pa rin ang position ni Agustin kapag bumalik na siya.” sambit ni Rios at napangisi siya. “Dahil kapag bumalik na si Agustin, isang delubyo ang haharapin nila. Tatandaan mo, nalagpasan ni Agustin ang iyong ina, ang iyong mga lolo at ang buong Knight sa husay at sa talino.” Napatingin lang si Carrie sa uncle Rios niya na tinanguan lang siya. “Kaya ang gawin mo, maghanap ka nang mapapangasawa para hindi ka naman naii-stress ng gan’yan.” pabirong saad ni Rios. Nahampas naman ni Carrie ang uncle niya dahil sa pagbibiro nito. “Bigyan mo ng apo ang iyong ina ng di nagkukulong sa kwarto.” Nanlaki ang mata ni Carrie. “Uncle!” sigaw niya pero bumulalas lang ng tawa si Rios at tumayo na. “Uuwi na ako. Babalik ako bukas with your Uncle Dane at dito kami mag-aalmusal.” sambit ni Rios at tinapik niya sa balikat si Carrie pero bago siya umalis may pahabol pa siya. “Don’t worry about him. Alam kong uuwi siya. Dahil kung hindi... Kakaladkarin ko siya pabalik dito sa manor!” sigaw ni Rios at kumaway na siya kay Carrie bago siya tuluyang umalis ng manor. Natawa na lang si Carrie habang napapailing sa tiyuhin niya dahil kahit matanda na ang mga ito hindi pa rin nagbabago ang ugali at mas nagiging childish. Huminga ng malalim si Carrie at umakyat na siya sa kwarto niya dahil sisimulan niya ulit ang paghahanap sa kakambal niya. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nahahanap si Agustin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD