Napatigil ako sa tangkang pagbaba sa sasakyan nang makarating kami sa tapat ng aming bahay nang hawakan ni Julio ang aking kamay. Madilim na dahil inabot na kami ng gabi sa daan pero maaaninag parin ang lungkot sa mga mata ni ginoong Julio. "panghahawakan ko ang iyong salita binibini..sana ay sa pagkakataong ito'y wag mo akong biguin.. Sana ay ako naman ang iyong piliin.." puno ng pangambang wika nito. Sinuklian ko lamang siya ng tipid na tango bago bumaba na sa sasakyan. Sumunod siya sa akin at sabay na kaming pumasok sa aming bahay. "ikaw pa naman ang panganay!" napaatras ako ng mabungaran namin si ama na sinasaktan si ate Isabela. "a-ama!" kinakabahang tawag ko sa kanya. Ang nanlilisik nitong mga mata ay lumipat sa akin. "huh!narito na pala ang isang suwail pa!" sigaw ni

