bc

Bulong Ng Kahapong Pag-ibig

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.3K
READ
like
intro-logo
Blurb

Itama ang mali..

paano mo magagawang maitama ang pagkakamaling nagawa mo kung hindi mo alam kung saan ka nag umpisang magkamali?

Dahil namatay na ang lola Isabela ko ay naisipan ng pamilya na ibenta ang lupain ng mga Hermosa sa Batanes.Noong bata ako ay sinabi ni lola na ang lugar na yun daw ay sagrado para sa yumao nyang kapatid na babae kaya hindi yun pinagalaw ni lola.Ako bilang dakilang pasaway ay pinarusahan at inutusang ibenta ang nasabing lupa.

Hindi ko inaasahan na sa simpleng pagbebenta lamang ng lupa ay makakaranas ako ng hindi kapani paniwalang pangyayari na syang magpapabago sa pananaw at pagkatao ko.

Ako si Onica Ver Sanchez Fuentes at masasabi kong ito ang nag iisang tama sa lahat ng maling aking ginawa.

chap-preview
Free preview
Akda 1
"Onica gumising kana nga dyan at ng may maitulong ka sa pag aasikaso dito sa mga bisita.Nagtalukbong ako at hindi na pinansin pa ang mga sinabi ni mommy.Napaigtad ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Ver gusto mo ba na mapagalitan ka nanaman ni mommy?madaling araw kana umuwi kagabi at lasing kapa..dont you think kailangan mo munang magpagood shot sa kanya?"napabangon ako sa sinabi ni Kuya Darius. "Kuya naman..diba sabi ko sayo pagtakpan mo ako.."maktol ko sa kanya. "sinabi ko na maaga kang natulog kagabi pero hindi ko naman inasahan na aakyatin ka nya dito sa kwarto mo.."napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya. "come on sis..wake up bago kapa masigawan ni mommy dyan.."tamad na bumangon ako at naligo na para makababa sa sala. "kumain ka muna pagkatapos ay tumulong ka kay Ising sa pag aasikaso sa mga darating na bisita para makilibing mamaya.."utos ni mommy pagkakita nya sa akin sa sala. "yes mom.."mahinang sagot ko. Masakit ang ulo ko dahil sa hang over sabi ko naman kasi kila Daisy wag ng hard dahil libing ngayon ni lola kaso may nakita lang na gwapo nakalimot na.Naalala ko na gwapo rin yung kasama nong lalaki na type ni Daisy kaso nakakatakot ang tingin nun.Mainit na sabaw at malamig na tubig lang ang nilagay kong laman sa tyan ko. "Ver..aalis na ako..magbehave ka dito ha?"tamad na tumango lang ako kay kuya Darius. Nang matapos ang libing ni lola ay dumagsa ang mga bisita sa bahay ang iba naman ay akala mo reunion to the max na.Hmp! kung hindi pa namatay si lola hindi sila makakaisip na dumalaw dito. Plastik! "iha..balita ko ay interior designing ang course mo.."bati sa akin ni tita Millet kapatid ni papa pero magkaiba sila ng ugali ewan ko ba kung paano nangyari yun. "opo.."magalang na sagot ko kahit ayaw ko naman sa kanya. "Hindi ko naman kasi maintindihan kay Stefan bakit ba hindi kana lang nya pinagmedisina tulad ng iyong ama para may silbi ka naman sa pamilya hindi tulad nito at namatay ang lola mo dahil ang kuya at daddy mo lang ang may alam sa medisina.."sinara ko ang kamao ko para magpigil ng sarili. "matagal ng may sakit si lola dulot ng katandaan nya..dont you think its wise to just let her sleep in peace?"sagot ko in a nice way pero nakita ko ang pagtaas ng kilay nya. "look Emelie..she's a nice girl..maayos namin syang napalaki at sinunod nya ang payo ng ama nya na mag law.."napairap ako sa sinabi nya as if naman na gusto ni Ems ang pinapagawa nila eh kulang na nga lang ay makipagtanan yan sa boyfriend nya na hindi man lang nila nalalaman at nakikilala. "yah..she's nice and witty.."sarcastic na sagot ko. "hindi ko inakala na bastos kang pinalaki ng kapatid ko!"dahil sa sigaw nya ay lumabas rin sila mommy at daddy mula sa kusina. Patay nanaman ako nito wala pa naman si kuya Darius! "Ate Millet bakit ka sumisigaw?"agad na lumapit sa amin si dad. "itong anak mo Stefan paano mo ba ito pinalaki?napakabastos!"tinignan ako ni daddy at mommy ng may dismaya sa mukha umiling nalang ako at akmang aalis na ng magsalita si daddy. "Onica Ver magsorry ka sa tita mo!"singhal nya. "dad you dont know the whole story..diba sabi ko naman sayo na tuwing pupunta ang mga kamag anak mo dito ay dapat may Cctv camera tayo?"lalong namula si dad sa galit dahil sa sinabi ko. "Onica ayusin mo ang pagsagot sagot mo sa ama mo!"ngayon naman ay si mommy ang sumigaw at sa nagbabantang tingin ay tinitigan nya ako.I sighed. "pasensya na po tita Millet kung ang mga magulang ko ay sadyang mabait at hindi ako pinilit na sumunod sa yapak nila dahil gusto nila na magkaroon ako ng sariling pangarap at sa pagiging interior designer ko po iyon natagpuan at sorry din po kung hindi ako katulad ng anak nyong si Ems na sumusunod lang sa dikta ng magulang..magkaiba po kasi kami.."narinig ko ang singhap nilang tatlo sa sinabi ko. "bastos ka talaga bata ka!"hindi ko na sya pinansin at umakyat na ako sa kwarto ko. Mga ilang oras lang ay narinig kong bumukas ang gate namin kaya sigurado ako na umuwi na sila tita.Huminga ako ng malalim dahil alam ko na ilang minuto lang ay bubukas ang pinto ng kwarto ko at darating ang galit na galit na mga magulang ko. "Onica Ver!"see?tama ako. "what is it this time?"tanong ko sa kanya ng di tumitingin. "hindi kaba nahihiya sa tita Millet mo?!"I rolled my eyes bago ako humarap sa kanila. "mom and dad hindi na ba kayo nasanay?ako nalang lagi ang puntirya nila dahil I live my life so well!nakakasawa ng mag explain sa kanila!"hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanila all the time duh! "tama ka..nakakasawa na ang pagiging spoiled mo kasalanan yan ni Darius!kaya ikaw ang ipapadala namin sa Batanes habang wala pa kayong klase at ikaw ang mag aayos ng bahay doon para maibenta!"nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "dad you cant do that lola said na wag gagalawin yun!"naiiyak na tutol ko. "hindi ko hinihingi ang opinyon mo sa matter na to Onica!"napapikit ako sa narinig. "porke wala na si lola ay ganyan nalang kayo kung tratuhin ang mga bagay na alam nyong pinahalagahan nya buong buhay?!"asik ko. "wag kanang sumagot sa ama mo Onica!"bulyaw sa akin ni mommy. "pero mom.." "walang pero pero!bukas na bukas ay lilipad ka pabatanes para sa lupa..kung pinabenta lang yan ng lola mo sanay buhay pa sya.."matigas na wika nya na lalong ikinasama ng loob ko. "ayoko..hindi nyo ko mapipilit na ibenta ang lupang yun!" "wala kanang magagawa pa dahil nasa akin na ang schedule ng flight mo!"sabat ni dad. Hindi ko inakala na magagawa nila ito.Hindi ako laki sa lola at hindi ako makalola pero ng ikwento sa akin ni lola ang bahay sa batanes ay nasaksihan ko at naramdaman ko kung gaano kaimportante ang lugar na yun sa kanya at sa kapatid nya. "hindi ko yun ibebenta!"sigaw ko sa kanila. "subukan mo at itatakwil ka namin bilang anak!"ito ang pinakamasakit na salita na maririnig ng isang anak mula sa kanyang magulang. Naiiyak na tinitigan ko silang dalawa at nakita ko kung gaano sila kadeterminado sa mga sinabi nila sa akin. "I hate you both..hindi nyo man lang ako kayang ipagtanggol bagkus mas pinili nyong kampihan ang iba!sana nga hindi nalang kayo ang naging magulang ko!"pabalibag na lumabas ako ng kwarto at dumiretso ako sa garahe kinuha ko ang susi ko at hinimas ko ang motor ko. "take me somewhere..basta malayo rito.."pagkausap ko sa motor ko at nagsimula na akong magpatakbo ng mabilis palayo sa pamilyang pinagmalaki ko sa tita ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.1K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook