Akda 2

1209 Words
Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ko sabayan pa ng pagbuhos ng luha sa mata ko ay hindi ko napansin ang papalapit na truck huli na ng tangkain kong iwasan ang sasakyan dahil dumausdos na ako sa dashboard ng sasakyan at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa lupa. Sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang motor na sinasakyan ko kanina lang.Wasak ito at nahati sa gitna samantalang ang helmet ko ay tumalsik sa kabilang lane ng kalsada.Naluluhang pinagmasdan ko ang paligid ng makita ko si lola. Mamamatay na ba ako? Ngumiti sya sa akin at ramdam ko ang yakap na pinamalas nya.Nag init ang sulok ng aking mata dahil doon. I miss her. Nawala ang sakit na naramdaman ko dahil sa yakap nya at payapa akong napapikit hanggang sa lamunin na ako ng dilim. Nagising ako na tunog ng alon ang naririnig.Agad akong bumangon at pinagmasdan ko ang sarili ko.Bakit nakaputing saya ako?Nasa ospital ba ako?nasaan ako?Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at agad nangunot ang noo ko ng mapagtantong nasa Batanes ako. "f**k!anong ginagawa ko dito?!"ganito na ba talaga kagusto nila mommy na ibenta ko ang bahay at nagawa nilang ipadala ako dito kahit galing pa ako sa aksidente?!si kuya Darius anong sinabi nya?basta nalang ba syang pumayag na ipadala ako rito kahit hindi pa ako nagkakamalay? Sa naluluhang mga mata ay bumangon ako at nanghihinang sumilip ako sa bintana.Nangunot ang noo ko dahil parang sinauna parin ang mga damit ng tao dito. Paano kaya ako makakatagal sa lugar na to?baka hindi pwedeng magshort teka may dagat dito kaya siguro naman pwedeng mag two piece? "hesusmaryosep!"napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng mga bumagsak na bagay. "bakit?"tanong ko sa kanya. "nakakagulat ka naman senyorita hindi ko man lang naramdaman ang pagbangon mo..kamusta na ang iyong pakiramdam may sinat kapa ba?"kumunot ang noo ko ng hipuin nya ang noo ko. Nilagnat ba ako?sa pagkakaalam ko ay naaksidente ako sa motor at sino ba ang babaeng ito? "sino ka?"tanong ko na mukhang kinagulat nya. "mawalang galang na senyorita ngunit ako ay wala sa tamang wisyo para makipaglokohan sayo lalo na at hinahanap kayo ng inyong ama.."nandito sila dad?hindi ko na pinansin ang mga sinabi nya at tumakbo ako palabas ng kwarto pero napatda ako sa nakita ko. "anong nangyayari?"nilingon ko ang namumutlang katulong. "hindi dapat kayo lumabas ng ganyan ang kasuotan.."nakayukong wika nya. "ha?"tinignan ko ang suot ko maayos naman ito anong mali dito? "kaya kaba nagpanggap na may sakit upang hindi matuloy ang paghaharap natin?"napalingon naman ako ngayon sa lalaking nasa harap ko.Napalunok ako ng mapagmasdan ko ang kanyang mukha. Makapal na kilay nangungusap na brown na mata at matangos na ilong idagdag pa ang mapulang labi.Sino ang lalaki na to?hindi ko inakala na may ganito kagwapong nilalang sa Batanes. "sige na at mag ayos kana muna sa iyong silid wag kang mag alala at hindi ko ipararating sa ama mo na nakita lamang kitang nakasaya binibining Veronica.."napanganga ako sa tinawag nya sa akin. "Veronica?nagkakamali ka ako si--" "senyorita halika na hanggat wala pa ang iyong ama.."naguguluhang nagpahatak ako sa katulong. "pwede ko bang malaman kung ito ang Villa Hermosa?"tumango ang katulong ng may pagtataka. "opo..ano bang nangyayari senyorita?"nagtatakang tanong nya. "anong pangalan mo?"halata sa kanya ang pag iling pero sinagot parin naman nya ako. "hindi ko alam kung anong tumatakbo sa iyong isipan senyorita ngunit sana ay sundin mo na lamang ang iyong ama at wag kanang makipagtagpo pa kay Eduardo..ako si Felisita Sanchez at matagal mo na akong tagapagbantay.."nanlaki ang mga mata ko. Felisita Sanchez?ang lola ko na hindi ko man lang naabutan dahil maaga raw namayapa?anong kalokohan ito nasaan ako?panaginip ba to o joke? "Felisita?"tumango sya sa akin. "teka..joke ba to?kapangalan mo kasi ang lola ko sa ina ko.."sya naman ang nagsalubong ang kilay. "senyorita si donya Margarita po ang ina ni senyora Bettina.."lalong nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Lola ko yun sa tuhod!ano bang nangyayari?Hinipo ni Felisita ang noo ko na para bang sinasalat nya kung may sakit ba ako. "baka nabinat lamang kayo senyorita halina kayo at magpahingang muli sasabihin ko na lamang sa don na kayo ay may dinaramdam pa.."napatango nalang ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Bakit parang bumalik ako sa nakaraan?Ano to?nang maaksidente ako ay si lola ang huli kong nakita.May gusto ba syang iparating sa akin kaya ako nandito?pero ano yun at paanong napunta ako rito?!hindi kaya patay na ako?teka imposible naman yun dahil dapat iyakan ng pamilya ko ang maririnig ko. Speaking of pamilya.Napakagat ako sa labi ko at naluluhang dinilat ko ang aking mga mata.Wala na nga pala akong babalikang pamilya.Napaupo ako ng bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang batang version ni lola.Naluluhang pinagmasdan ko sya hanggang makalapit sya sa akin. "sobrang sama ba ng iyong dinaramdam at ang matapang na kapatid ko ay lumuluha ngayon sa aking harapan?"nag aalalang pinunasan nya ang luha na patuloy na bumabagsak sa mga mata ko. "may gumugulo ba sa iyong isipan?"tanong nyang muli hindi ako sumagot at mahigpit ko syang niyakap. "la.."sumisinghot na anas ko. "Kailan pa naging yan ang tawag mo sa akin?hindi ba at ayaw mo ng Isabela kaya Isay ang tinawag mo sa akin?"hindi na ako sumagot at patuloy lang akong umiyak. "ano bang nangyayari sa nakababata kong kapatid?hindi ka ba sinipot ng nobyo mong si Eduardo?"natigilan ako sa pagdadrama ng marinig ko ang sinabi nya. "sino yun?"sumisinghot na tanong ko sa kanya. "mukhang tama ako ng hinala at sadyang kinalimutan mo na sya..wag kang mangamba nandito ang ate.."lalo akong naiyak sa tinuran nya. Nakatulog ako na sya ang katabi ko.Nang magising ako kinabukasan ay wala na sya agad akong bumangon dahil baka panaginip lang na kasama ko sya kahapon napahinga ako ng makita ko sya sa garden ng villa.Mahilig talaga sya sa mga bulaklak. Isabela..napangiti ako sa isiping yun hindi ko inakala na tatawagin kita sa pangalang yan. "Isabela!"tumingala sya sa kinaroroonan ko. "sandali!"anas nya at nakita ko syang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay narinig ko ang mga yabag nya papalapit sa kwarto ko. "maginhawa na ba ang pakiramdam mo?"masayang ngumiti ako sa kanya. "kung ganoon ay sabayan mo na kami nila ama sa hapag.."hinila nya ako palabas ng kwarto at pababa ng hagdan natigilan ako sa mga bagong mukhang haharapin ko. "kamusta na ang iyong pakiramdam iha?"agad na tumayo mula sa hapag ang isang ginang at sinalat ang noo ko. "ayos na sya ina.."nakangiting sagot ni lola. "mabuti naman kung ganoon..halika na at kumain pinaluto ng iyong ama ang lahat ng iyong paborito.."napalingon ako sa lalaking nakaupo sa dulo ng mesa at nakangiti sya sa akin. "ayokong namamayat ang aking bunso.."naluha ako sa pagtrato nila sa akin. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ibig sabihin ng totoong pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD