Akda 3

1246 Words
Marahang sinusuklay ni Felisita ang mahaba kong buhok na umabot hanggang sa beywang. "pakiwari ko ay humaba ang iyong buhok sa magdamag senyorita at para bang kumulot ang dulo ng bagsak nyong buhok.."napalunok ako sa sinabi nya. "dala siguro ng matagal kong pagkakahiga.."kahit ako ay napapangiwi dahil sa malalim na pagtatagalog. "sa pagdiriwang mamaya ay ipakikilala na kayo ni ginoong Fernan at iaanunsyo ang inyong pag iisang dibdib.."nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "what?!"kumunot ang noo nya sa sinabi ko. Shit mali ako ng salita. "anong sinabi mo?anong ibig mong sabihin?"kinakabahang pinagmasdan ko sya mula sa salamin. "matagal kanang tutol sa kasalang iyon kaya nga nagulat ako ng hindi natuloy ang balak nyo ni Eduardo na magtanan pagkat ngayon na iaanunsyo ang sa inyo ni ginoong Fernan.."napanganga ako sa mga sinabi nya. "ahm..si Eduardo..matikas ba sya?"nangunot ang noo nya. "ah..gusto ko lang malaman ang tingin mo sa kanya.."napatango sya sa sinabi ko bago sya ngumiti ng matamis. "isa mang hamak na magsasaka si Eduardo ay talagang matikas sya at napakaganda ng mukha maraming kababaihan ang nahulog sa kanya ngunit ikaw lamang ang kaisa isang pinagtuunan nya ng pansin.."nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nya. Ano to parang may kakaiba akong nararamdaman sa uri ng pagkukwento nya sa lalaking yun. "may gusto kaba sa kanya?"nanlaki ang mga mata nya.Confirmed. "kung ganoon ay nasasaktan ka tuwing magkikita kami ni Eduardo ngunit bakit hindi mo sinabi sa akin?"umiwas sya ng tingin. "maari ka namang magsabi sa akin.."tumingin sya sa akin ng puno ng hinanakit ang mga mata kaya nagulat ako. "hindi ba at matagal mo ng alam na may pagtatangi ako sa kanya?kaya nga at sinabihan mo ako na layuan sya at wag lumapit sayo kapag kasama mo sya..ikaw ang nagsabi sa akin na ang pagmamahal mo kay Eduardo ay walang wala sa nararamdaman ko para sa kanya.."nagulat ako sa nalaman. Anong klaseng babae ba si Veronica?bakit parang ang mean naman nya sa lola ko? "patawarin mo ako Felisita.."mahinahong wika ko at bakas sa mukha nya ang gulat. "hindi ko ginusto na hamakin ang nararamdaman mo para sa kanya..siguro ay naninibugho lamang ako ng mga panahong yun..nais ko sanang magsimula tayong muli at maging magkaibigan..wag kang mag alala..unti unti ko ng bibitiwan si Eduardo dahil tama ka dapat kong sundin ang ama ko.."natahimik sya sa mga sinabi ko. "senyorita..nakakasiguro kabang maayos ka lamang?"natawa ako sa kanya bago tumango. "oo naman..tara na at baka hinihintay na tayo ni ama.."kumindat pa ako sa kanya kaya natawa kami pareho. "para sa pinakamagandang binibining nakita ko.."nagulat ako ng iabot sa akin ng isang lalaki ang bulaklak na daisy.."napangiti ako ng mapait dahil naalala ko ang kaibigan ko. "hindi mo ba nagustuhan ang aking surpresa sa pagkakaalam ko ay hilig mo ang mga yan.."umiwas ako ng tingin sa kanya at inabot ko kay Felisita ang mga bulaklak. "maari mo bang ilagay ito sa aking silid?"nagulat sa akin si Felisita at marahang bumulong. "hindi mo ba ipatatapon sa akin ito tulad ng iyong dating gawain?"namangha ako sa sinabi nya. "hindi..nais kong makita ito sa aking silid mamaya.."tumango sa akin si Felisita bago umalis. "akala ko ay muli mong ipapatapon ang mga bulaklak.."nagulat ako sa sinabi ng kaharap ko. "ano nga uli ang iyong pangalan?"natawa sya bago yumuko. "hindi nga siguro kapansin pansin ang aking presensya kaya sige ako ay muling magpapakilala..ako si Fernan Julio De Silva.."De Silva?!seryoso?! Ito ang kaaway ng aming pamilya sa kasalukuyan anong ibig sabihin nito at kami ang iaanunsyo na ikakasal? "mukhang nagulat kita sa aking mga tinuran patawarin mo ako binibini ngunit nais ko lamang na tumatak na sa ikalawang pagkakataon ang pagsasabi ko sayo ng aking pangalan.."wika nya. "Julio.."anas ko. "ni minsan ay walang tumawag sa akin sa pangalang yan..ikaw ang una at ako ay nagagalak.."napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang kanyang magiliw na pagngiti. My gosh kung nandito lang siguro si Daisy malamang laglag panty na yun! "pakiwari ko ay matagal kanang may gusto sa akin hindi naman sa pagmamalaki ngunit yun ang aking pakiramdam.."nakita ko ang pamumula nya.Aw ang cute!. "una kitang nasilayan ikaw ay nasa loob ng kalesa at kausap mo ang isang magsasaka.."napaiwas ako ng tingin baka si Eduardo ang tinutukoy nya. "kung hindi ako nagkakamali ay ang magsasakang yun ang lagi mong kasakasama sa paglilibot sa inyong hacienda..kaya ikinalulungkot ko ang nangyari sa kanya.."kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "anong sinasabi mo?bakit?"ngayon ay sya naman ang nag iwas ng tingin sa akin. "pumunta sya sa aming tahanan kagabi at sinabi nya sa aking layuan kita pagkat kayong dalawa ay nagmamahalan pinadampot sya sa mga gwardiya sibil..totoo ba binibini?"hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang tanong. "sinabi nya na mapapahiya lamang ako pagkat hindi ka sisipot ngayon..kinabahan ako na maaring hindi kita makita ngayon kaya laking pasalamat ko ng masilayan ko ang iyong mukha sa bintana ng iyong silid.."natameme ako sa mga sinabi nya. Ganito ba ka prangka ang mga tao sa nakaraan?bakit walang ganito sa kasalukuyan? "nandito lang pala kayong dalawa halina kayo at iaanunsyo na namin ang inyong kasal.."sumunod kami kay ama na may kasamang isang lalaki na kamukha ni Julio.Malamang ito ang papa nya. "Mga kawani..nais kong ipakilala sa inyo ang aking bunsong anak na si Veronica Hermosa at ang ginoo sa kanyang tabi ay si Fernan Julio De Silva..silang dalawa ay nalalapit ng ikasal kaya nais kong sana ay dumalo kayo.."nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Nakaramdam ako ng pagsakit ng puson habang nagpapalakpakan ang mga tao.Shit wag ngayon! "oh.."napaungol ako kaya lumingon sa akin si Julio napakagat ako sa labi lalo na at halata sa kanya ang pagkailang. "ahm..sandali lang ah.."nagtatakang tumango sya mahinhin na naglakad ako palabas ng bulwagan at ng wala ng tao ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko. "Felisita!"nakita ko syang nilalagyan ng tubig ang vase. "bakit senyorita?" "may napkin kaba dyan?"kumunot ang noo nya. "ano yun senyorita?"napalo ko ang noo ko dahil mali ako ng sinabi. "mayron ako ngayon..dinatnan ako.."wika ko na lamang. "ah..hali kayo at may pasador dito sa inyong damitan.."napangiwi ako. Pasador?!hindi ako sanay gumamit nyan?! "a..salamat.."iniabot nya yun sa akin pero tinitigan ko lang yun. "bakit po?"napakagat ako sa labi dahil sa tanong nya. "nakalimutan ko kasi kung paano gamitin yan.."nahihiyang anas ko. "ha?ah..eh..sige po ganito yun.."nagtataka man sya ay tinuro nya sa akin ang pagkabit ng pasador na yun. "salamat Felisita hulog ka ng langit!de bale kapag ikaw naligaw sa panahon ko tuturuan kita ng maraming bagay!"umiling lamang sya sa mga sinabi ko na para bang baliw ako. Dahan dahan akong bumalik sa bulwagan ng makita ko si Julio ay kinawayan ko sya pero mukhang hindi nya ako nakita at kausap niya si Isabela marahan silang nagtatawanan kaya umikot ako at lumabas sa bulwagan.Pumunta ako sa bintana na tapat nilang dalawa akmang tatawagin ko sila ng marinig ko ang pag uusap nila. "hindi ko nais na masaktan ka Fernan..hindi ko inasahan na hindi sasama si Veronica kay Eduardo.."natigilan ako sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD