Akda 4

1104 Words
"nagagalak ako at hindi sya sumama..kaya sana ay maging masaya ka rin sa amin Bela.."napaatras ako sa mga narinig ko. Dont tell me may gusto si lola kay Julio?!OMG!karibal ko si lola?! Wala sa sariling bumalik ako sa kwarto ko. "Felisita..pakisabi sa aking magulang na masama ang aking pakiramdam kaya hindi na ako makakabalik sa bulwagan.."nag aalalang lumapit naman sya sa akin. "anong dinaramdam mo senyorita?"napangiti ako sa kanya. "masakit lang ang aking puson.."napatango sya sa akin bago lumabas mayamaya ay bumalik sya na may dalawang maligamgam na tubig at isang bimpo. "ito senyorita kung hindi nyo na makaya ay ilagay nyo ito sa inyong puson.."nagpasalamat ako sa kanya bago sya lumabas. Dumapa ako at sumubsob sa unan ng may makapa akong matigas sa ilalim ng unan ko. "Diary?"napalunok ako at marahan ko yung binuksan. Pasensya kana Veronica pero kailangan kong malaman ang mga nangyayari bago pa ako dumating dito. Ika uno ng Disyembre, Masaya ako ngayon dahil dinalaw ako ni Fernan..napakatipuno talaga ng kanyang katawan at dama ko ang magiliw nyang pagtitig sa akin sana nga ay matuloy ang aming itatakdang kasal.. Ika siyam ng Disyembre, Hindi ko sinasadya ngunit nahuhulog ang loob ko sa kababata ni ate Isay sana nga ay talagang magkaibigan lamang sila.. Ika labing isa ng Disyembre, Nasaktan ako pagkat napatunayan ko na may pagtingin ang aking kapatid sa lalaking itatakda sa akin.. Ika dalawa ng Enero, Nasaktan ko si Sita dahil kay Eduardo..alam ko na matagal nya na itong tinatangi ngunit wala akong ibang maisip na paraan kundi ang sabihin kay ate Isay na mahal ko si Eduardo.. Ika labing pito ng Marso, Mabait si Eduardo at sinabi nya na kahit hindi sya ang iniibig ko ay tatanggapin nya ako kaya nakapagpasya na akong sasama sa kanya upang sumaya ang aking kapatid.. Napapikit ako at napasandal sa board ng kama.Isa palang dakilang martyr si Veronica hindi ko inakala na magagawa nya ito.Masama pa naman ang tingin ko sa kanya noon pero ginagawa nya lang pala ito dahil kay lola. "tandaan mo Onica iha..may mga taong nagpapakasama para sa mga mahal nila sa buhay..ang bahay na yun ay mahalaga sa aking kapatid..kaya nais ko rin yung ingatan tulad ng pagmamahal sa isang pamilya.." Natigilan ako sa alaalang yun.Bata palang ako nun kaya hindi ko napansin na humuhugot na pala si lola nun.Siguro ay hindi nya rin alam na nagparaya ang kapatid nya pero bakit hindi sila ni Fernan ang nagkatuluyan kung nawala si Veronica? "masama nanaman raw ang iyong pakiramdam.."agad kong tinago sa ilalim ng unan ang diary. "oo..yung puson ko.."huminga sya ng malalim at pinagmasdan ako. Ganyang ganyan si lola kapag sinusukat nya kung nagsasabi ka ng totoo.Napabuntong hininga ako at kumuha ng bimpo para ilagay sa aking puson. "sige at magpahinga kana.."tumango lamang ako sa kanya ng patayin nya ang lampara at isara ang pinto. "Lola..naguguluhan ako kung bakit mo ako dinala rito."bulong ko bago ko ipinikit ang aking mata. "Onica...Onica..anak.."kumunot ang noo ko dahil sa naririnig kong boses ni mommy. teka mommy?! "sis..anong nangyari?diba sabi ko behave ka?bakit.."kuya Darius? Mommy kuya! Dumilat ako at tulad ng una ay tunog ng alon ang naririnig ko.Ano yung mga naririnig ko bakit may ganun? "hindi ko alam na malungkot ka pala.."napalingon ako sa gilid ko at ganun na lang ang gulat ko nang mabungaran ko si Julio! "anong ginagawa mo rito?!"bulyaw ko. "pinagmamasdan lamang kitang matulog..tinulungan ako ni Bela na umakyat rito sabi kasi nya ay masama ang pakiramdam mo.."natahimik ako sa sinabi nya. "aalis na ako..nakasiguro naman na ako na hindi malala ang dinaramdam mo..magandang gabi muli binibini.."hindi ako nakakibo hanggang sa lumabas sya sa bintana kaya napabangon ako at sinilip ko sya. "ayos lang ako.."napangiti ako ng ngumiti sya sa akin at kumaway. Pilyo! Kinabukasan ay naging pamilyar na ako sa nabungaran ng mga mata ko.Unti unti akong bumangon at nag ayos bago lumabas ng kwarto ng mapatda ako sa naabutan. "isang subo lamang Fernan sige na!"masiglang sinusubo ni lola ang isang kutsarang may lamang pagkain sa namumulang si Julio. "ako na lamang hindi mo na kinailangan pang isubo sa akin yan.."umiiling na wika naman nito. "you should try it.."walang ganang wika ko bago maupo sa isang bakanteng upuan.Pareho silang napaawang ang bibig na nakatingin sa akin. "bakit?"takang tanong ko sa kanila. "kailan kapa natutong magsalita ng Ingles Veronica sa pagkakatanda ko ay hirap ka sa araling yan.."napataas ang kilay ko. "masyado akong nawili sa pag aaral sa aking silid kaya mabilis ko itong natutunan.."umiwas na ako ng tingin pagkasabi nun at kumuha na ng pagkain. "baka hanapin mo ang iyong tagapaglingkod isinama sya ni ina sa pamilihan upang makatulong sa pagbitbit.."napatango nalang ako sa narinig. "magandang araw binibini.."tinapunan ko lang ng tingin si Julio bago muling bumaling sa pagkain. "binibining Veronica!"napaangat ang tingin ko sa tumatakbong si Felisita. "bakit ka humahangos akala ko ba ay kasama mo si ina?"nagtatakang pinagmasdan ko sya. "oo nga po ngunit pinauna na nila ako rito para sabihing si Eduardo.."kumunot ang noo ko sa narinig na pangalan napansin ko rin ang naluluhang mga mata ni Felisita. "ano ba yun?"inis na tumayo na ako at lumapit sa kanya. "hinatulan sya ng kamatayan pagkat isiniwalat nyang ikaw ay kasintahan nya!"napasinghap ako sa narinig. "isang kasalanan yun sa inyong pangalan kayat ginawan ito ng paraan ng iyong mapapangasawa.."galit na lumingon ito sa tahimik na si Julio. "totoo ba?"baling ko dito. "oo.." "Hindi ko makakaya ito binibini.."umiiling na napasalampak si Felisita. "Julio itigil mo ito..palayain nyo si Eduardo!"asik ko. "ikinalulungkot ko binibini ngunit mas kakalat na totoo ang sinasabi ng pobre kung itoy tutulungan mo.."mariing wika nito. I cant believe it!how cruel can he get! "kung nais mong hingin ang aking kamay at talagang ako ang laman ng puso mo pakiusap Julio ibigay mo na itong regalo para sa akin.."nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata pero sandali lang yun at agaran ding nawala. "bigyan mo ako ng magandang rason binibini kung bakit ko hahayaan ang iyong kagustuhan?"napatingin ako sa nakasalampak na si Felisita. "kung tayo ay magsasama na hindi ko gustong iwanan ang aking kaibigang tagabantay na may kalungkutang nadarama.."narinig ko ang pagbuntong hininga nya. "kung gayon ay titignan ko ang aking magagawa.."napangiti ako sa kanya bago tumango. "aasahan ko ang iyong sinabi Julio.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD