Akda 5

1199 Words
"hindi ko alam kung kailan ka nagsimulang mangialam sa desisyon ng matatanda o baka naman dahil si Eduardo ang kikitilan.."hindi ako lumingon pa dahil alam kong si Isabela yon s***h ang lola ko sa hinaharap hindi ko alam na bitchy pala si lola dati. "Hindi yun dahil sa iyong iniisip.."hindi ko pwedeng isiwalat ang feelings ni Felisita na lola ko din jusko! "kung gayon ay ipaintindi mo sa akin ang iyong ginawa!hindi mo ba alam na maaaring masaktan si ginoong Fernan dahil sa iyong tinuran?"nawala ang mga mata kong nakatanaw sa dagat at nalilitong tinignan ko sya dahil sa mga sinabi nya. "nais ko ding magtanong sayo kung bakit ganyan ang iyong tinuturan kay ginoong Julio?"taas kilay na tanong ko sa kanya.Sorry lola pero mana lang ako sayo. "anong pinararating mo na ako ay may pagsinta sa lalaking nakatakda na sayo?!"natawa ako sa pagkakasabi nya nun. "hindi ako ang nagsiwalat nyan kundi ikaw mismo.."pinakatitigan ko ang naiilang na mukha nya. I knew it.Basang basa ko talaga si lola she's so obvious. "bakit hindi nalang ikaw ang magpakasal kung ganon?tss.."wika ko bago ako umalis at iwan ang mukha nyang tigagal. Naisipan kong lumabas at magtampisaw sa dagat hindi ko inakala na maeenjoy ko ang simpleng bagay na yun masaya akong tumingin sa mga ulap.Hindi pa masyadong mainit ang sikat ng araw sa panahong ito. Nakakita ako ng starfish na inanod sa pampang agad ko yung niyuko at pinindot pindot. You would never ask me why My heart is so disguised I just can't live a lie anymore I would rather hurt myself Than to ever make you cry There's nothing left to say but good-bye "maaari ko bang malaman ang iyong inaawit binibini?"mabilis na napatayo ako. "Julio..kanina kapa ba?"naiilang ako sa uri ng titig nya. "oo..at narinig ko ang iyong inawit hindi ko alam na ikaw pala ay may kaalaman sa salitang Ingles pagkat kung aking iisipin yan ang pinakaayaw mong aralin.."napangiwi ako sa sinabi nya. "may natutunan naman ako.."wika ko. "siguro dahil rin sa ilang beses nyong pagbyahe ng iyong ama sa Englatera.."nanlaki ang mga mata ko. Really?nagpupunta kami ng England?!wow big time pala kami maaya nga sila uli hahaha! "ah..oo.."nahihiyang sabi ko nalang natigilan ako ng bigla nyang haplusin ang buhok ko. "paumanhin binibini ngunit inalis ko lamang ito.."may dumi lang pala ako sa buhok jusko akala ko momoment na to sakin. "ginoo..Veronica.."pareho kaming napatingin sa paparating. Lola.Are you hurt?nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi na nya kailangang sagutin yun halata naman sa mukha nya. "mukhang nakahanap kayo ng tagpuan ng aking kapatid ginoo.."she said while smiling I bet kung totoong ngiti yan. "hindi sa ganon binibining Isabela..nagkataon lamang na makita ko sya rito habang patungo sana sa inyo.."napataas ang kilay ko sa usapan.Bakit kailangang mag explain? "You two can talk I will go inside.."akmang aalis na ako ng hawakan ni Isabela ang kamay ko. "ano ang iyong mga sinabi?"napaangat ako ng labi. Masaya palang mapunta sa panahong ito feeling ko napakatalino ko. "wala naman..sinabi ko lamang na mauna na akong pumasok sa bahay.."ngumiti ako sa kanila bago umalis. "sandali binibini!"tawag sakin ni Julio pero hindi ko na sya pinansin pa. Dyan kana sa lola ko tutal magkaedad naman kayo!asik ko sa isipan ng paakyat na ako ay natigilan ako dahil natanaw ko ang masayang pag uusap ng dalawa sa tabing dagat kung saan ko sila iniwan. Akala ko ba ako ang gusto ng lalaking yan?bakit lumalandi pa sya at sa kapatid ko pa!I mean lola ko pa! "am I jealous?f*****g no way!"wika ko bago nagmadaling pumasok sa kwarto. "Felisita.."kinakabahang tawag ko sa kanya. "bakit ka namumutla senyorita?"agad syang lumapit. "pakiramdaman mo!"kinuha ko ang isa nyang kamay at dinala ko iyon sa dibdib. "anong nangyayari sayo senyorita?"kinakabahang tanong nya. "bakit mabilis ang t***k nito?at para akong naiinis dahil sa dalawang yun!"tinignan ni Felisita ang tinatanaw ko sa bintana tapos ay ngumisi sya sa akin. "umiibig ang aking senyorita.."natigilan ako. No.no it cant be!hindi ako pwedeng magkagusto sa halos lolo ko na! Kung susumahin ay literal na lolo ko na ang lalaking yun.Napapadyak ako sa isiping yun dahil may halong panghihinayang ang loob ko. "Minsan na nga lang makahanap ng gwapo lolo pa.."inis na bulong ko. "May nais ka bang sabihin senyorita?"nagtataka naman si Felisita sakin dahil sa inaasal ko. Kung alam mo lang lola.Napatingin ako sa kanya habang nagpupunas ng mga mwebles. Napagtanto ko na kung si Eduardo ang mahal ni lola Felisita ay bakit hindi sila ang nagkatuluyan? Ang pangalan ng lolo ko ay Raul at hindi Eduardo ang ibig bang sabihin nun dahil namatay si Eduardo?ngayon na ba yun?dahil sa mga sinasabi nya ay ipapapatay sya? OMG! "Anong iniisip nyo senyorita?"may pagtatakang tinignan nya ako. "Ha?ah wala wala!"ngumisi lang ako sa kanya at napakamot sa ulo. Bakit ba kasi ang komplikado ng pamilya ko!huhuhu! Habang nakatanaw ako sa bintana ng kwarto ko ay nakita ko ang kapatid ko s***h lola ko na papasok ng bahay at syempre kasama nya parin si Julio. Napabuga ako ng hangin. Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya Onica jusko baka bumangon ang lola mo kapag pinatulan mo sa panahong ito ang lalaking yan! "Sabagay marami ring gwapo sa panahon ko pero..aish!"galit na ginulo ko ang buhok kong inayos ni Felisita kanina ng payneta. "Bat kasi ang papabol nya shocks!"tila talunang wika ko. "Veronica.."tamad na pinagmasdan ko ang nagsalita none other than my lola! "Hm?"sagot ko. "Ipinapatawag ka ni ama nais nyang magmeryenda ka kasama si ginoong Fernan.."naparolled eyes ako sa narinig. "Ikaw ba ay nais mong nandun ako?"nakita ko ang pagtalim ng mata nya ng humarap ako. Well well well.Bitch ka pala talaga lola too bad magkadugo tayo triple ng ugali mo ang ugali ko. "Ano nanaman ang nais mong marinig sa akin dahil sa iyong walang saysay na paratang?!"napatsk ako sa inasta nya. "Tila nawawala ang iyong pagiging mahinhin aking kapatid.."anas ko. "Pagkat ako ay napupuno na sa iyong mga winiwika!"natawa ako sa sinigaw nya. "Payo lang kapatid..hindi ko ginusto na ikasal sa lalakin--" Pak! Napahawak ako sa pisngi ko. My lola never hurt me.Hinding hindi nya ako pinagbuhatan ng kamay dahil tuwing nakikita nya ako ay niyayakap nya lang ako at laging tinititigan. "How could you!"inis na wika ko. "Wag mo akong iniingles Veronica.Kapatid kita at ako ang nakatatanda matuto kang gumalang!"napamaang ako sa kanya. "Gumalang?sa tingin mo pagkatapos mo akong sampalin ay yuyuko ako at igagalang ka?!"nakatikim uli ako ng sampal. "Senyorita!"dinaluhan ako ni Felisita ng makitang nahilo ako sa lakas ng pagsampal sa akin ni Isabela. "Ngayon pa lamang ay puputulin ko na ang sungay---" "I dont f*****g care!"sigaw ko sa kanya. Akmang susugod na ako sa kanya ng makaramdam ako ng pagkahilo. "Senyorita!"sigaw ni Felisita ng bumagsak ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD