"I'm so sorry..please wake up.."
Teka sino yun?bakit sya nagsosorry at parang umiiyak sya?
Si lola ba yun?nagsosorry ba sya dahil ang lakas ng sampal nya sa akin?
Speaking of sampal hindi pa ako nakakaganti!
Nang magdilat ako ay nag aalalang mukha ni Felisita ang bumungad sa akin.
"Anong nangyari?"takang tanong ko sa kanya.
"Nawalan ka ng malay habang kayo ay nasa kalagitnaan ng pagtatalo ni senyorita Isabela.."paliwanag nya.
Ganun ba?pasalamat sya at nawalan ako ng malay dahil kung hindi kahit lola ko sya ay kakalbuhin ko sya ng sa ganun ay wala na syang ipabunot saming puti pagtanda nya hmp!
"Senyorita kamusta ang pakiramdam nyo sa inyong magkabilang pisngi?"ngiwing tanong nya.
"Bakit?"tanong ko sa kanya.
"Sa tingin ko ay mamamaga ito.."nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"No!"sigaw ko ng makita ko nga na nag uumpisa ng lumobo ang pisngi ko.
"Iha.."kunot noong nilingon ko ang pinto ng may sumilip roon.
"Senyora!"agad na nagbigay galang sa kanya si Felisita.
"Nais kong makausap ang aking anak maari ka bang lumabas?"tumango ang tagapaglingkod ko at nagmamadaling lumabas.
"Iha.."hinawakan nya ang kamay ko na tinapunan ko lang ng tingin.
"Hindi yun sinasadya ng iyong kapatid.."mahinahong wika nya.
Yeah right!hindi sinasadya kaya pala dalawang beses nya akong sinampal.
"Ayoko ho munang magsalita at baka makasakit lang ako.."tulad noon kapag nagagalit sa akin sila mommy at sumasagot ako.
"Naiintindihan ko..patawarin mo sana ang ginawa ng nakatata---"
"Wag kayo ang humingi ng tawad sa akin pagkat wala kayong kasalanan..hayaan nyong sya ang humarap sa kanyang maling ginawa.."mahabang litanya ko.
"Nguni---"
"Masama ang pakiramdam ko ina..nais ko na sanang magpahinga.."walang magawang tumango na lamang ito at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko.
"Tss.."I hissed before I close my eyes.
"Senyorita!"napabangon ako ng makita ko si Felisita na kinakabahan.
"Bakit?"salubong ko sa kanya.
"Hinihintay ka ni ginoong De Silva sa ibaba sa tingin ko ay tungkol ito kay Eduardo!"kunot noong nag ayos ako ng sarili bago lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Julio at ang kapatid s***h lola ko na nag uusap ng masinsinan habang ang ama namin at ina ay tahimik na nakamasid lamang.
"Anong maipaglilingkod ko sayo ginoo?"bungad ko dahilan kaya sa akin napabaling ang lahat.
"Ipagpatawad mo kung nasira ko ang iyong pagpapahinga.."hinging paumanhin nya.
"Ano ba yun?"I asked at inip na tinignan sya.
"Napag alaman kong nakatakas ang lalaking iyong ipinakiusap sa akin binibini.."nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Paano nangyari yun?"lumapit ako sa kanya at hinarap sya.
"Maghunos dili ka kapatid si Eduardo lamang yan.."Dinig ko ang pagiging sarcastic nya pero nginitian ko lang sya ng matamis bago ako muling humarap kay Julio na titig na titig sa akin.
"Ikwento mo ang nangyari.."utos ko.
"Nagpunta ako sa piitan nais ko sanang kausapin ang nakatataas upang ipawalang sala ang iyong tagalingkod pagkat yun ang aking pangako.."napataas ang kilay ko sa narinig.
"Ngunit masamang balita ang nakarating sa akin..tumakas raw ito ng nagdaang gabi at patuloy na hinahanap ngayon.."seryosong wika nya.
Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako sa nalaman ko o natutuwa dahil hindi ako mapakali.
"Masaya ka na?"napatingin kami kay Isabela.
"Anak tama na.."awat ni ina.
"Kung may katotohanan ang lahat ng isiniwalat ng lalaking yun ay batid kong masaya ka nga!"asik nya.
"Ano bang problema mo?"tanong ko.
"Hindi mo ba naisip na maaring manganib si ginoong Fernan dahil nakatakas ang lalaking yun!"kumunot ang noo ko sa narinig.
"Hindi masamang tao si Eduardo.."komento ko na nagpasinghap sa lahat ng nandun.
"Senyorita.."napatingin ako kay Felisita at malungkot syang umiling sa akin.
Right!I sound like pinagtatanggol ko ang Eduardo na yun!damn it!
"Hindi ko nagugustuhan ang usapang ito binibini.."napatingin ako kay Julio dahil sa sinabi nya.
"Ipagpaumanhin mo ngunit malaya kong ipahahayag ang aking opinyon isa pa ay kilala ko si Eduardo batid kong hindi nya magagawang saktan ang sino man.."mahabang paliwanag ko.Alam ko na pinagkakatiwalaan sya ng totoong Veronica.
"Tumigil ka na Veronica!"napaigtad ako sa sigaw ni ama.
"Nakatakda ka kay ginoong De Silva ngunit ibang lalaki ang iyong inaalala!"napapikit ako sa bulyaw nya.
"Ama huminahon ka.."pang aalo ng kapatid ko.
"Iha tama na.."pakiusap ng ina ko.
What did I do?
"May mali ba sa mga sinabi ko?"naguguluhang tanong ko sa kanila.
"Lapastangan!"napaatras ako ng makita ang namumulang mukha ni ama sa galit.
"Anak umakyat ka na mu--"
"Bakit?"gulo parin ang isip na tanong ko natigil lamang ako ng makaramdam ako ng sampal mula kay ama.
"Hector!"awat ni ina.
"Ginoo!"maging si Julio ay nakiawat.
Great!
Sampal nanaman!kota na ako sa pamilya na to ah!
"What the f**k is wrong with you people!"asik ko.
"Pinag aral ba kita ng ingles para lamang murahin kami!"nanlaki ang mata ko.
He understands.Sabagay lagi daw kami sa England malamang nakakaintindi to.
"Bakit kailangan mo akong saktan ama?"buong hinanakit na hinarap ko sya.
"Pagkat hindi mo sya ginagalang!"turo nito kay Julio.
"Bakit di mo nalang ako binastos para pareho!hindi ko pinagbuhatan ng kamay ang kahit na sino sa inyo.."natigilan sila sa outburst ko.
"Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto nyo akong sinasaktan.."gumaralgal ang boses ko lalo na ng tignan ko si Isabela.
My memory of you is not like this.Hindi ko matanggap na mali ang pagkakakilala ko sa lola ko!
Patakbong umakyat ako sa kwarto ko at hindi alintana ang pagtawag nila sa akin.
Pumunta ako sa bintana at lumabas mula roon.Dumaan ako sa bubong at dahan dahang lumapit sa puno malapit roon.Maingat na bumaba ako ng puno at nakayapak na naglakad ako papuntang dagat.
This will be my escape route.Mas masaya at magaan pa ang loob ko habang nakatanaw sa ilalim ng buwan na nagbibigay kislap sa tubig dagat na nasa aking harapan.
"Patawarin mo ako binibini.."kahit hindi na ako humarap ay kilala ko ang boses na yun.
"Nais kong mapag isa.."matigas na wika ko.
"Ngunit madilim na sa parteng ito.."hinarap ko sya dahil sa sinabi nya.
"Kung madilim na dito paano mo ako nakita?"taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Ibang iba ka sa Veronica na nakilala ko noon binibini.."napaingos ako sa narinig.
Malamang!hindi kaya ako ang kinababaliwan mong babae.
"Ngunit mas lalo kitang nagugustuhan ngayon lalo pa na unti unti kitang nakikilala.."napasinghap ako sa narinig.
Napaka prangka talaga ng lalaki na to!wala man lang pakeme ganun?
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.
Nanlamig ako ng hawakan nya ang libre kong kamay.
"Nais kong makasama ang may ari ng magandang kamay na ito habang buhay.."napalunok ako sa kinilos nya.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.
Hindi ako makahinga papatayin yata ako nito sa kilig!