Akda 7

1285 Words
"ina!ina!" bunganga ni lola I mean ate Isabela ang gumising sa akin dinig mula sa kwarto ko ang boses nya na humahangos.Napakamot ako sa ulong bumangon. "ingay.."reklamo ko bago ako nag ayos ng sarili. "senyorita!"inis na napalingon din ako kay Felisita dahil pati sya ay humahangos palapit sa akin. "anong maipaglilingkod ko sayo?"nang uuyam na tanong ko sa kanya pero ang bruha nagawa pang ngumiti sa akin. "sumuko na si Eduardo nasa bayan sya ngayon at kinakausap ng--" "huh?!"biglang nagising ang diwa ko sa narinig. Bumalik si Eduardo dito?ibig sabihin ay hindi sya tumakas! "kung ganun ay magmadali ka at tayo ay pupunta roon!"utos ko na malugod namang sinang ayunan ng tagapaglingkod ko. Excited much lang na makita ang irog nya haha! Tinulungan nya ako sa pag aayos at maging sya ay nagawa pang magsuklay ng buhok kaya napataas ang kilay ko sa kanya napansin naman nya ang titig ko kaya naiilang na binaba na nya ang suklay at nagmadali ng lumabas kasunod ako. "hindi ka lalabas ng bahay Veronica.."ang matigas na wika ng aming ama ang nagpatigil sa tangkang paglabas ko. "bakit?"takang tanong ko sa kanya. "kung talagang wala kang pagsinta sa lalaking si Eduardo ay dumito ka at hintayin ang balita ng iyong kapatid at ina.."napatingin ako kay Felisita dahil halata ang pagkadismaya nya sa sinabi ng aking ama. "maari kang pumunta roon Felisita.."pagkuway wika ko. "ngunit senyori--" "binibigay ko ang aking pahintulot sige na at ng makita mo sya.."bulong ko. "maging si Felisita ay hindi lalabas.."napasinghap ako sa narinig. "ngunit ama!"pagtutol ko. "malay ko ba kung ikaw ay may gustong ipaabot na mensahe sa binatang yun Veronica!"natigilan ako sa narinig. "wala ba kayong tiwala sa akin?"nandun nanaman ang sakit.Bakit hindi nila magawang magtiwala sa akin maging ang tunay na ama ko ay ganito rin. "mula ng ako ay iyong sagutin ay suwail ka na sa aking paningin kaya at wag mo akong tatanungin kung ang pagtitiwala ko lamang sayo ang gusto mong maging usapan natin.."tumayo na sya mula sa hapag at naglakad papunta sa kanyang silid. Naiiyak na hinarap ko si Felisita. "senyorita.."maging sya ay naiiyak rin habang puno ng habag at awa ang mukha nya para sa akin. "Wag mo akong kaawaan bagkus ay sila ang bigyan mo ng ganyang atensyon.."malungkot na saad ko. "Po?"tila naguguluhang tanong nya. "Pag intindi na lamang sa ngayon ang kaya nating ibigay sa sitwasyon ko Felisita..pasasaan ba at maiisip din nila ang turing na ito sa akin at batid ko sa oras na yun ay magsisisi sila.."marahang hinaplos ko ang likod ng aking tagapaglingkod. "Kung gayun senyorita ay maghintay na lamang tayo sa pagbalik ng senyora maging ng iyong nakatatandang kapatid..paumanhin at ikaw ay kinagalitan ng iyong ama ng dahil lamang sa akin.."hinging paumanhin nya. "Ayos lamang yun Felisita.."mahinhin na ngumiti ako sa kanya. Tulad nga ng sabi ni ama ay hinintay namin ang pagbalik nila ina ngunit magdidilim na ay wala parin sila. "Anong dahilan at sila'y nagtatagal sa pagbalik?"hindi mapakaling pagkausap ko kay Felisita dito sa aking silid na katulad ko ay kinakabahan din. "Hindi ako mapalagay senyorita wari ko ba ay may hindi magandang nangyari kay Eduardo.."namumutlang wika nito. "Huminahon ka Felisita batid kong hindi hahayaan ng panginoon si Eduardo.."pagpapakalma ko. "Sana nga senyorita..sana nga.."sabi nito. "Veronica!"sigaw ni ate Isabela ang nagpakaba sa akin kaya agad akong lumapit sa kanila. Nandito na sila nakangiting sinalubong ko sila ngunit agad itong nabura ng makita ang mga kasama nila. "Magandang gabi binibini.."bati ng isang lalaki at bahagya pang yumuko. "sino sila ate?"takang tanong ko nakasunod naman ang aming ina na para bang namumutla pa sa kaba. "mawalang galang na binibini ngunit maari mo ba kaming samahan kung saan naroon ang tumakas na tagapaglingkod ng pamilyang ito?"napatingin ako sa nakatiim na si ama at sa kinakabahang mukha ni ina. "bakit?"tanong ko nalang. "pagkat yun ang nais ng pinakulong ni ginoong De Silva.."napamaang ako sa narinig. Gusto akong makausap ni Eduardo?marahang tumango na lamang ako sa kanila bago ako nagpaakay palabas. "anak.."naiiyak na tawag sa akin ni ina. Ngumiti ako sa kanya at tumango bago ko sila tinalikuran nakita ko pa ang nang iinis na mukha ng magaling kong lola--este ate pala. Isang oras din kaming bumiyahe bago kami nakarating sa kapitolyo. "sumunod ka sa amin binibini.."tumango ako at kinakabahang sumunod. Ano naman kayang gustong sabihin sa akin ni Eduardo naku wag lang nya ako matatanong tungkol sa usapan nila ni Veronica dahil wala akong alam dun. "binibini!"boses ng isang lalaki ang tumawag sa akin mula sa isang kulungan. "alalayan ang binibini.."napairap ako sa inutos ng isa sa kanila if I know gusto lang nilang marinig ang usapan namin sus kunwari concern pa raw. "binibini.."masayang bati sa akin ng isang lalaki. infairness ha!mala haciendero naman pala kasi ang dating ng isang to!papasa syang model sa panahon ko malas nya lang at sa panahong ito sya nabuhay. "E-Eduardo?"paniniguro ko aba mahirap na. "ako nga binibini..kamusta ka na?bakit hindi ka dumating sa ating tagpuan?hinintay kita.."napaiwas ako ng tingin sa mga tanong nya. Teka naman kalma ka kuya hindi ko nga alam na may ganung usapan tsk! "paumanhin Eduardo..ngunit nais kong itigil mo na ang plano natin.."nabasa ko sa mukha nya ang pagtataka. "ngunit ikaw ang lumapit sa akin upang tulungan ka--" "batid ko ang nais mong sabihin Eduardo ngunit nagbago ang aking isipan nais ko ng ipaglaban si ginoong Julio.."nakita ko ang pagsalubong ng kilay nya dahil sa sinabi ko. "bawiin mo ang iyong mga sinabi!"bigla nyang hinila ang braso ko mula sa siwang ng mga bakal. "aray ko Eduardo!"agad namang kumilos ang mga nakabantay at hinila ako palayo. "pagkatapos kong isugal sayo ang aking buhay ay ganito mo akong itatapon binibini?!"puno ng hinanakit na wika nya. "patawarin mo ako Eduardo..ngunit nais kong bawiin mo ang iyong mga tinuran upang ikaw ay makalaya.."nasasaktang umiling sya sa akin. "ang akala ko ay iba ka sa kanila binibini ngunit nagkamali ako..isa ka ring manggagamit at matapobre!"sigaw nya na nagpaatras sa akin. "pakiusap Eduardo nais ko lamang na makalaya ka na rito at mangyayari lamang yun kung babawiin mo ang iyong mga winika--" "makakaalis ka na..salamat sa pag aabalang puntahan ako.."tumalikod na sya at naglakad sa dulo ng kulungan palayo sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko?hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita ko. "Eduardo!"naiiyak ako sa inis bakit ba kasi napakatigas ng ulo ng isang to?! "umalis ka na binibini..tapos na ang lahat tulad nga ng iyong winika.."nag iwas na sya ng tingin at yumuko. "Eduardo naman!"naiiyak na wika ko pero hinila na ako ng mga bantay palabas. "ihahatid ka na namin sa inyo binibini.."hindi ako sumagot dahil nakatingin parin ako sa lugar kung saan nakakulong si Eduardo. Hindi ko naman binalak na masaktan sya.Dama ko kasi yung sakit.Nakita ko sa mga mata nya ang sakit ng mga sinabi ko. Pero anong magagawa ko?hindi naman ako si Veronica!hindi ko nga alam kung bakit nandito ako! Tulala lamang ako sa durasyon ng biyahe hanggang sa makarating ako sa amin. "anak!"agad akong niyakap ni ina habang ang ama ko at kapatid ay nakamasid lamang. "s-senyorita.."nagtatakang tinignan ako ni Felisita ngunit nag iwas ako ng tingin. Hindi ko sya magagawang harapin ngayon. Hindi ako nagsalita at dumiretso na ako sa silid na para sa akin.Nagsimula ng bumalong ang luha sa mga mata ko. What now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD