Akda 8

1271 Words
Itama mo ang mali.. Napadilat ako dahil parang may nagsalita nilibot ko ang paningin ko pero wala naman. Ang creepy! Umaga na pala pakiramdam ko pumikit lang ako sandali tapos ngayon umaga na agad. Naghihikab pa ako ng biglang bumukas ang pintuan ng sinauna kong kwarto insert the sarcasm please. "Magandang umaga Felisita.."bati ko pero mukha syang wala sa sarili at tulala. "May problema ba?"takang tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.She looked at me na para bang nagpapaawa sya. "Ano ba yun?"di na ko nakatiis at hinila na sya paupo sa kama ko. "Senyorita..ngayon na ang paglitis kay Eduardo.."para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig. Muling bumigat ang pakiramdam ko dahil naalala ko nanaman ang nangyari kagabi.Huminga ako ng malalim bago hinarap ang tagapanglingkod ko na lola ko sa future. Okay lang yan lola makikilala mo naman si lolo in the future at ako ang napakaganda nyong apo hahaha charot! "Felisita.."simula ko para makuha ang atensyon nya. "Kinausap ko si Eduardo upang itanggi ang mga sinabi nya para palayain sya ngunit hindi sya sumang ayon sa akin..patawad.."napayuko ako ng sabihin yun. "Matagal ka ng iniibig ni Eduardo senyorita nakamasid man ako ay batid kong tunay ang pagmamahal nya kaya ng malaman kong magpapakasal ka kay ginoong Fernan ako ay naguluhan.."kunot noong wika nya. "Bakit naman dahil ba sa si Eduardo ang alam mong iniibig ko?"tanong ko pero umiling sya. "Pagkat ramdam kong totoong ikaw ay may pagsinta kay Eduardo..aaminin ko nung simula ako ay nagduda pagkat iba ang iyong pananalita sa kanya ngunit ng nagtagal ay lagi ka ng nakangiti sa kanya at masaya ka kapag sya ang iyong kausap.."natigilan ako sa narinig. Posible kaya na nadevelop si Veronica kay Eduardo?!OMG!revelation 2.0 my gosh! "G-Ganun ba.."yun nalang ang nasabi ko wala eh finish na! Patay ako nito. Itama mo ang mali.. Ayun nanaman?! Nilibot ko ang paningin ko. "Bakit senyorita?"tila nagtatakang tinignan nya ako. "May narinig ka ba?" "Ha?wala po.."iling nya. Baliw na ba ako? Sabagay sino bang hindi mababaliw sa nangyayari na to sa akin? Wake up! Sis wake up! "Aray.."daing ko at napahawak ako sa ulo ko. "Senyorita?"agad naman akong inalalayan ni Felisita. Please!wake up.. "Aah!aray ko!"namilipit ako sa sakit ng ulo ko. "S-Senyorita ano pong nangyayari?!"malamig na kamay ni Felisita ang naramdaman ko. "Tu--big.."bulong ko na parang kinakapos ng hangin. Tumayo ako para kumuha ng tubig pero bigla akong natumba. "Senyorita!"agad akong dinaluhan ng aking tagapaglingkod. "A-Ang sakit!"daing ko habang hawak ang ulo ko. Baby wake up hindi na galit si daddy.. "Sobrang s-sakit!"napahiga na ako sa sahig at namilipit. "Senyorita Isabela senyora tulong po!"sigaw ni Felisita. Maya maya pa ay nakarinig kami ng mga yabag. "Anong nangyayari?!"ramdam ko ang pagyakap sa akin ni ina. "Bakit ganyan sya?"si ate Isabela naman ang nakatayo at nakatitig sa amin. Napakalaking tulong nyan tsk! Come back to us.. "Aaah!ang sakit sakit!"daing ko hanggang sa magdilim na sa akin ang lahat. Onica..apo.. Lola? Ikaw ba yan lola? Itama mo ang mali.. Huh? Nakikiusap ako apo..itama mo ang mali.. Anong mali?anong itatama ko? Lola? Lola? "Lola!"napabalikwas ako. "Anak.."tinignan ko ang nasa tabi ko hawak nya ang kamay ko at halatang puyat. "Ina.."sambit ko. Nandito parin ako?stuck na ata ako dito ano ba yan! "Mabuti at nagising kana dalawang gabi kang tulog.."dalawang gabi talaga hindi dalawang araw?iba pala dito. "A-Anong nangyari sa akin?"nagtatakang tinignan ko ang itsura ko may mga aparatong nakakabit sa akin. "Tinawag namin si ginoong De Silva upang suriin ang lagay mo.."nag aalalang wika nya. De Silva? "Si Julio?!"tumango sya sa akin. "Doctor sya?"di makapaniwalang sambit ko. "Medisina ang kurso nya noon anak nakalimutan mo na ba?"nagtatakang saad nya. "Pasensya na ina.."hindi ko kasi talaga alam hehe! "Marahil dahil yan sa dinaramdam mo..ang sabi nya ay masyado ka raw napagod at mukhang may gumagambala sa iyo..iwasan mo raw muna ang mag isip.."wika ni ina. Ah okay sige edi di ko muna sya iisipin pakisabi ina hahaha landi ko! "S-Sige ina.."tumango sya sa akin bago ngumiti at inayos ang buhok ko. Magkasundo naman sa panahong ito ang pamilya namin bakit kaya ng maabutan ko ay magkaaway na? "Ina.." "Hmmm?" "Matagal na po ba nating kaibigan ang pamilya De Silva?"I need answers para sa "itama mo ang mali"na peg ni lola jusko! "Oo isang siglo na anak..mababait ang mga De Silva at kilala sila rito sa Barrio natin.."iba ang narinig ko mula sa mga kamag anak ko ehem. "Kung gayun bakit ngayon lamang may ipapakasal sa amin at bakit ako bakit hindi si ate?"takang tinignan nya ako. "Hindi ba at yun ang iyong hiling noon pa?naisagawa lamang na mangyari dahil nais rin ni ginoong Julio ang makipag isang dibdib sayo.."nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ako talaga ang may gusto?ako talaga ha?ay hindi pa pala ako nun si Veronica pa ano ba yan nalilito na ako. "Hindi tumatalikod sa napagkakasunduan ang mga De Silva at kilala silang may isang salita o may palabra de honor..kaya mahirap silang biguin pagkat makakaasa kang hindi sila gagawa ng ano mang bagay para bumitaw sa napag usapan na.."napanganga ako sa narinig. Tuloy ang kasal! Bigla akong natigilan. Hindi kaya ito ang pagkakamali na sinasabi ni lola? Nag away ang pamilya dahil obvious naman na di natuloy ang kasal at base sa info ni ina hindi ang De Silva yung uri ng tao na umaatras sa kasunduan kaya malamang kami yun! Pero paano kami umatras noon? Tsaka isa pa hindi ko naman na naabutan si lola Veronica dahil dalaga palang raw ng namatay ito. Teka namatay?! So ibig sabihin mamamatay rin ako ng dalaga?! Hindi ko pala alam ang ikinamatay ng lola kong yun.Ang kwento lang namatay ng maaga. Ayoko namang mategi agad ang bata ko pa! "Bakit anak?"napuna nya siguro ang pananahimik ko. "Wala po ina.."iniisip ko lang kung anong kamatayan ang naghihintay sa akin. Tumango sya at bahagyang ngumiti. "Mabuti naman at ayos na ang iyong lagay ang buong akala ko ay nag aalala ka sa tagalingkod na si Eduardo kaya ka nagkasakit.."napatingin ako sa kanya dahil dun. Shit! "A-Ano ng nangyari sa kanya ina?"hindi sya sumagot sa akin at nag iwas ng tingin. "Ina.."nag aalalang pinagmasdan ko sya. "Pakiusap ina nais ko lamang malaman ang nangyari sa kanya.."naiiyak na pakiusap ko. "Sa araw ng paglilitis ay tumakas sya anak papunta rito nakarating sa kanya ang pagkakasakit mo..kaya ng mahabol sya ay agad syang binaril ang sabi ay nahulog ang katawan nya sa mataas na batuhan kung kaya't hindi na sya hinayaang makita pa ng iba at agad na sinunog ang kanyang katawan.."mahabang paliwanag nya. S-Sinunog? Napahawak ako sa dibdib ko.Anong dahilan at parang gusto kong sumigaw sa galit? Nag uunahan ng tumulo ang luha ko sa mga narinig ko teka bat ako umiiyak? Patay na si Eduardo. "Ang aking irog.."wala sa sariling wika ko na dahilan ng pagsinghap ni ina. "I-Irog?"maging ako ay nagtaka sa tanong nya. Anong sinabi ko? Hindi ako ang nagsalita di ko naman type yun pero patuloy ang pagluha ng aking mga mata at sa ikalawang pagkakataon ay muling kumawala sa aking bibig ang maling salita na para bang wala na ako sa aking sarili. "Wala na ang aking irog.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD